Buntis, kinaawaan matapos patanggalan ng landlady ng bubong at pinto ang inuupahan

Buntis, kinaawaan matapos patanggalan ng landlady ng bubong at pinto ang inuupahan

- Umani ng simpatya ang isang buntis na babae matapos patanggalan ng bubong at pinto ng landlady ang bahay na inuupahan

- Ito ay sa kadahilanang hindi nakapagbayad ang buntis dahil sa kasalukuyang sitwasyon dulot ng lockdown

- Dalawang buwan nang hindi nakakapagbayad ang buntis na naninirahan sa bahay kasama ang kanyang mga anak

- Depensa ng landlady kailangan niya ng pera para sa pagpapagamot ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang landlady sa Caloocan City ang nagpatanggal ng bubong at pinto ng bahay na kanyang pinauupahan matapos bigong makapagbayad ng dalawang buwang upa ang isang buntis.

Ayon sa ulat ni Victoria Tulad sa 24 Oras Weekend, maraming gamit ng umuupa ang nasira dahil sa ulan.

“Ang sabi ko, nasa TV naman po ‘yan na ‘wag munang mag-puwersa maningil lalo na’t ganito nga ang sitwasyon,” sabi ng kapitbahay ng umuupa.

“Pinuntahan ‘yung may-ari… ang sabi niya, pasalamat daw ‘yung tinanggalan ng bubong na kinausap siya ng kakilala niya kaya niya ibinalik,” dagdag pa nito.

Isang pamilya pa umano ang muntik nang patanggalan ng bubong ng nasabing landlady dahil hindi din nakabayad ng upa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“‘Yung sa ayuda raw ng DSWD, bakit daw nakatanggap naman po kami, ba’t hindi raw po kami magbayad? Bakit ko naman po uunahin ‘yung bayad po ng upa? Uunahin muna namin ‘yung pambayad ng pagkain,” kwento ng isang nag-uupang nangngangalang Glenda.

“Masakit po ‘yun. Minumura ako no’ng may-ari ng bahay. Masakit po ‘yun. Kasalanan ba naming nag-krisis?”

Dipensa ng landlady kailangan niya ng pera para sa pagpapagamot sa kanyang asawa na naaksidente.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

“Ako po ay gumagastos ng kulang-kulang P10,000… ‘Yung mister ko kasi, no’ng malasing, nabagok ang ulo. In-ICU,” aniya.

Pinabalik niya umano ang bubong dahil nakonsensiya siya nang umulan.

Paalala ng Barangay 167 chairman na si Antonio Reyes, nauna nang nagbabala ang Pangulong Duterte na bawal ang pagpapaalis at pamimilit ng paniningil sa mga umuupa. Maaring makulong ang sinumang lumabag sa nasabing panuntunan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel