Food delivery rider, nakatanggap ng $100 imbes na ticket sa isang checkpoint

Food delivery rider, nakatanggap ng $100 imbes na ticket sa isang checkpoint

- Abot-abot ang pasasalamat ng isang food delivery rider sa isang pulis na nagbigay sa kanya ng pera

- Ito ay matapos niyang masita sa isang checkpoint dahil sa isang munting pagkakamali

- Napaiyak siya nang tuluyan dahil imbes na ticket ay isang $100 ang ibinigay sa kanya ng pulis

- Abot-abot ang pasasalamat ng rider sa pulis na pinangakuan niya din na tatapusin niya ang pag-aaral niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi inasahan ng Facebook user na si Joshua Read na imbes na ticket ay $100 ang matatanggap niya mula sa isang pulis na sumita sa kanya sa isang checkpoint.

Pagsasalayasay niya, isa siyang grabfood/express delivery rider at papunta siyang Sta. Mesa. Dahil sa isang pagkakamali ay nasita siya ng isang pulis.

"Habang nakapila po yung mga motorcycle riders sa checkpoint eh may nakita pokong isang rider na sa kabilang lane dumaan kaya napasunod po ako, nasita poko ng pulis na tingin ay sumisingit ako diko naman po intensyon na gawin yun ang akala kolng is pwede pong magpainspect sa kabilang lane."

Humingi siya ng pasensya sa pulis pero hiningi nito ang kanyang lisensya sa kabila ng kanyang paliwanag.

Sa kanyang pagpapaliwanag, naikwento niyang isa lang siyang estudyante at kinailangan niyang kumayod para sa sarili niya. Dahil dito, hiningian siya ng ID na magpapatunay na nag-aaral pa siya at OJT Id na lamang ang kanyang naipakita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naiyak na ang rider habang nagpapaliwanag dahil sa dala na rin ng hindi magandang nangyari sa kanya sa trabaho.

Ikinabigla ng rider ang sunod na ginawa ng pulis. Binigyan siya ng $100 bilang tulong umano sa kanya.

Ipinilit ng pulis na kunin ng rider ang pera bilang tulong umano niya sa kanyang pag-aaral.

"Pagsabi nya non lalo kong umiyak, hindi ko napansin yung halaga ng pera pero sa mga sinabi nya talaga ko nadala. Pagtapos nun kinamayan ko sya nagpasalamat talaga ako diko na nagawang kuhanan sya ng litrato dahil nadala na talaga ko sa emosyon ko. Mula sa checkpoint, pagpickup, pagdrop ko ng item at paguwi ko sa bahay iyak lang ako ng iyak."

Ipinangako niyang tatapusin niya ang kanyang pag-aaral dahil na rin sa inspirasyong naibigay sa kanya ng pulis pati na rin ng kanyang mga magulang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel