Video ng isang sundalo na nanita ng lalaki sa loob ng sariling gate, viral na

Video ng isang sundalo na nanita ng lalaki sa loob ng sariling gate, viral na

- Viral sa social media ang video ng isang sundalo na sumita ng lalaking hindi nakasuot ng facemask

- Gayunpaman, nasa loob lamang ng kanilang gate ang nasabing lalaki kaya nangatwiran ito sa sundalo

- Tila hindi ito nagustuhan ng sundalo ang pagsagot ng lalaki kaya pumasok ito at itinulak ang lalaki

- Nakuhanan naman ng video ng anak ng lalaking sinita ang buong pangyayari at ibinahagi sa Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang video ng isang sundalo na nanita ng isang lalalki na hindi nakasuot ng facemask habang nasa loob ng kanilang gate.

Nagpaliwanag ang lalaki dahil nasa loob naman sila ng kanilang gate. Tila hindi iyon nagustuhan ng sundalo at nagkainitan na sila.

Nagkasagutan ang dalawa hanggang sa tuluyan nang pumasok ang sundalo at itinulak ang lalaki na ikinatumba nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad naman umawat ang isang babae matapos muntik nang magkasakitan ang sundalo at ang lalaki.

Nakuhanan ng anak ng lalaki ang buong pangyayari at ibinahagi ito sa social media.

"pinag fafacemask kmi khit nasa loob trespassing kna nga sasaktn mopa papa ko di bagay sayo maging sundalo"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Marami naman ang nag komento sa nasabing video hinggil sa hindi makatarungan umano na ginawa ng sundalo.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Kung mangsisita wag naman sana sita na parang aso lang...dahil di porket "men in uniform" ka pwede muna pagalitan parang aso yan, sana kahit gaano pa ka tigas ulo ng ibang tao i.daan din nman sa mabuting tuno at salita ang pkikipag usap pra walang mainit na tensyon. Remember?? Kaya tayo may "men in uniform" para mag silbi sa ating mamamayan hindi para manakot, maging siga, at manakit.
Wala kang laban dyan sa militar kuya. Sila ang batas ngayon. Yung isang heneral nga malinaw na lumabag sa batas pero kahit pitik man lang sa tenga wala.
Parang tama naman yung pulis kasi working place yung lugar kaya dapat talaga mag facemask. Ginagawa lang nila trabaho nila mahirap ba sundin ang pag facemask at isa pa exposed sila sa kalsada talaga kaya kailangan kita naman sa video na ang laki ng gate na kitang kita yung mga tumadaan. May dumura lang jan na covid positive sa kalsada siguradong mahahawa sila. At si kuyang nasa gate pwede pa nga siyang makasuhan ehh kasi parang iniinsulto pa niya yung police kasi imbes kunin yung faskmask niya tumambay pa siya dun sa gate. Kaya talagang magkakainitan pa sila niyan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel