90-anyos na cancer survivor, nakaligtas din sa COVID-19

90-anyos na cancer survivor, nakaligtas din sa COVID-19

- Marami ang humanga sa isang 90-anyos na cancer survivor na nakaligtas din sa COVID-19

- Maging siya ay hindi makapaniwalang napaglabanan niya ang virus at inakala niyang hindi na siya makakauwi

- Masaya siyang sinundo ng kanyang pamilya na nag-aalala sa kanya dahil mag-isa lamang ang lola na 44 araw na namalagi sa ospital

- April 6 nang dinala siya sa ospital sa pag-aakalang pnemonia lamang ang sakit nito ngunit lumabas na positibo ito sa virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang isang 90-anyos na naka-recover sa COVID-19 na isa rin palang cancer survivor.

Ayon sa GMA News, 2013 nang mapaglabanan ng lolang nakilalang si Natalia Vicente ang colon cancer.

Ngayon, masaya siyang nakalabas ng ospital matapos ang 44 araw na pamamalagi roon dahil sa COVID-19.

Masayang namaalam ang mga medical workers at hospital staff ng Philippine Heart Center sa lola nagpakita muli ng katapangan sa pagkakaligtas niya mula sa nakamamatay na virus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa kabila kasi ng kanyang edad, tila isang himala nang masasabi na naka-recover pa ito sa virus.

Nasurpresa pa ang lola na lima sa kanyang mga mahal sa buhay ang sumundo sa kanya.

Paglabas niya ng elevator, shocked din siya kasi ang akala niya dalawa ‘yung susundo sa kanya tapos may staff din ng Philippine Heart Center. Nadagdagan din kami bale five sa family na nandoon para sumundo sa kanya,” kwento ng kanyang apo na si Beng Vicmundo.

Mahirap para sa kanilang pamilya ang nangyari sa kanilang Lola Natalia dahil hindi manlang nila ito naalagaan sa ospital.

Kaya naman ganoon na lamang ang paghanga nila dito dahil bagama't nag-iisa, napaglabanan pa rin niya ang COVID-19.

90-anyos na cancer survivor, nakaligtas din sa COVID-19

source: Bam Alegre/ GMA News
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Lola Natalia ay di makapaniwalang naka-recover siya sa bagsik ng virus.

"Akala ko hindi na ako makakauwi,” ang sabi raw ng lola.

Nagpasalamat naman si Lola Natalia sa lahat ng nag-alaga at nagmalasakit sa kanya sa Heart Center na naging malaki ang bahagi sa kanyang paggaling.

Sa huling ng tala ng Department of Health, 72 ang nadagdag sa recoveries ngayong Mayo 24. May kabuuang bilang na 3,249 ang recoveries sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel