87-anyos na lola, emosyonal nang maalala siyang tulungan muli ng kanyang 'Idol Raffy'

87-anyos na lola, emosyonal nang maalala siyang tulungan muli ng kanyang 'Idol Raffy'

- Minsan nang natulungan ni Raffy Tulfo ang isa sa kanyang masugid na tagahanga na si Lola Norma

- Naalala siya ng kanyang Idol Raffy ngayong naka-quarantine pa rin ang Metro Manila lalo na at pamamalimos lamang ang ikinabubuhay nito

- Naiyak sa tuwa ang lola dahil wala raw siyang natanggap na anumang ayuda kaya naman nagtiis lamang siya sa ibinibigay sa kanya ng kanyang manugang

- Labis na nagpapasalamat si Lola Norma sa kanyang Idol Raffy dahil mayroon na siyang maayos na makakain ngayon lalo na at hindi naman siya makapagpalimos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang 87-anyos na si Lola Norma Allianza Oppus sa mga natulungan noon ni Raffy Tulfo na muli niyang kinumusta ngayong panahong naka-quarantine pa rin ang Metro Manila.

Maalalang si Lola Norma ang naunang naiulat ng KAMI kung saan simple lamang ang ninais makamtan bukod sa makita ang kanyang idolo.

Naalala siya ni Tulfo dahil panlilimos lamang ang ikinabubuhay nito. At dahil sa naka-quarantine parin ang Metro Manila, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglabas ng tulad niyang senior citizen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang makitang paparating ang staff ni Tulfo, pasasalamat agad ang nasambit ni Lola Norma.

Kwento niya, hirap kasi siyang makakain sa araw-araw lalo na ngayong panahon ng krisis dala ng COVID-19.

Dagdag pa niya na wala rin siyang natanggap na anumang ayuda kaya naman umaasa lamang siya sa ibinibigay sa kanya ng kanyang manugang na kapos din sa pang-araw araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi napigilang maiyak ni Lola Norma nang makita ang isang sakong bigas, prutas, gulay at iba pang makakain niya ngayong hirap halos ang lahat dahil sa pandemya.

Emosyonal niyang pinasalamatan ang kanyang idol dahil bagama't malayo raw ito ay hindi siya nito nanakalimutan.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Lola Norma sa pagbisita muli ng programang Raffy Tulfo in Action:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel