Jinkee Pacquiao, nahilig na rin sa pagtatanim ng halaman

Jinkee Pacquiao, nahilig na rin sa pagtatanim ng halaman

- Isa si Jinkee Pacquiao sa mga personalidad na nagbahagi ng pagkahilig sa pagtatanim

- Dahil sa pandemya at home quarantine, marami sa mga celebrities ang nagsimula ng gardening

- Ayon sa post na ibinahagi niya, nagsimula na silang magtanim ng iba't-ibang klase ng gulay

- Kinagiliwan din ng netizens ang iba pa nilang video na magpamilya sa gitna ng quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang mahigit isang buwan ng community quarantine, iba-ibang pamamaraan ang ginawa ng mga celebrity para maging makabuluhan ang kanilang pananatili sa kani-kanilang mga bahay.

Ilan sa kanila ay nahilig sa paghahalaman kagaya nina Neri Naig, Mylene Dizon at ngayon ay si Jinkee Pacquiao.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng maybahay ng Pambansang Kamao ang litrato ng mga pots na pinagtaniman nila ng mga gulay kagaya ng kamatis, bell pepper, okra, lettuce, sunflower, talong at pechay.

We've finished gardening today and i can't wait to see the outcome! #tomatoes #bellpepper #okra #lettuce #sunflowers #eggplant #pechay #plantingtime #quarantinelife

Ilang beses ding ipinakita ng pamilya Pacquiao ang kanilang mga ginagawa habang nananatili sa loob ng bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang, ibinahagi ni Jinkee ang pagkatuto ng kanyang mga anak ng paglalaba, pagluluto at paghuhugas ng pinagkainan.

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

POPULAR: Read more about Jinkee Pacquiao here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel