Panalangin ng isang batang lalaki, umantig sa mga netizens

Panalangin ng isang batang lalaki, umantig sa mga netizens

- Marami ang naantig sa panalangin ng isang batang namataan ng isang netizen na nagdadasal sa isang simbahan

- Natuwa ang netizen sa nasabing bata dahil sa panalangin niyang sana ay matapos na ang COVID-19

- Ikinagulat ng netizen na tumanggi ang bata nang yayain niya itong kumain dahil mas inisip nito ang kapatid

- Hiniling ng bata na gatas na lamang para sa kanyang nakakabatang kapatid ang ibigay imbes na ilibre siya ng pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng Facebook user na si Eduardo Concepcion nang ibahagi niya ang pag-uusap nila ng isang batang nakita niyang nagdadasal sa isang simbahan.

Tinanong niya umano ang batang si Jason kung ano ang kanyang ipinagdasal. Sagot ng bata gusto niya nang matapos ang COVID-19 dahil nahihirapan na sila. Gusto niya na rin umano makakita ng mga batang nag-aaral dahil siya ay hindi nag-aaral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naantig ang kanyang damdamin sa naging sagot ng bata kaya tinanong niya ito kung kumain na at inayang kumain.

Sa kabila ng alok ni Concepcion, tumanggi ang bata at humiling na panggatas na lamang para sa nakababatang kapatid niya.

Lalong bumilib ang netizen dahil sa pag-aalala ng bata para sa kanyang kapatid at humirit pa ito kung pwedeng pati diaper na rin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa kanyang murang edad, naisip niyang unahin ang pangangailangan ng kanyang kapatid.

Ipinag-grocery ni Concepcion ang bata para sa kanilang pamilya.

Samantala, narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

God answers prayers but sometimes we are God’s answer to prayers
God bless you anak for having a kind heart to those in need...God bless you more and more
Saludo ako sau kua ed talagang napakabuti ng puso mo pagpalain ka nawa ni papa jesus at ang buong pamilya mo, na touch ang puso ko sana madami pang tulad mo na may mabuting kalooban ang makita ang mga tunay na nangangailangan, we love u kua ed, god always blessed and protect u and ur family mis u so much kua ed!

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel