Cabin crew, dumiskarte bilang delivery rider para may kitain ngayong quarantine

Cabin crew, dumiskarte bilang delivery rider para may kitain ngayong quarantine

- Hinangaan ng marami ang isang cabin crew na minabuting maging isang delivery rider ngayong naka-quarantine pa rin ang ilang bahagi ng mundo dahil sa COVID-19

- Dahil sa walang gaanong biyaheng panghimpapawid, dumiskarte muna ng ibang trabaho ang cabin crew na nagtataguyod sa kanyang pamilya

- Kumikita siya ng katumbas ₱1,500 kada araw, sapat na para sa mga gastusin nilang pamilya

- Nag-viral ang post dahil sa tunay na nakaka-inspire ang kasipagan at pagiging responsable ng cabin crew na nakaisip ng paraan upang di mapabayaan ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakaka-inspire na kwento ng isang cabin crew na dumiskarte bilang isang delivery rider.

Ngayong panahon ng paglaganap ng COVID-19 sa iba't ibang bahagi ng bansa, karamihan din ay naka-quarantine kaya naman tigil din sila sa kani-kanilang hanapbuhay.

Dahil dito, naisipan daw ng 37- anyos na cabin crew na ito mula Thailand na humanap muna ng ibang mapagkakakitaan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bihira kasi ang pinapayagang magbiyahe mapa-tubig man o panghimpapawid kaya minabuti niyang pasuking ang pagiging delivery rider ng Grab.

“I know things will not be the same again for at least another year, so I will have to keep doing this,” paliwanag ni Kosit Rattanasopon ng Thai Airlines.

Kumikita siya ng 1000 baht o manumbas ₱1,500 araw-araw na sapat na raw para matustusan ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malayo man ito sa sinasahod niya sa kanyang trabaho sa eroplano, sigurado naman siyang mabubuhay pa rin niya ang kanyang ama at kapatid na itinataguyod niya.

Tumutulong din naman sa kanya ang kanyang kapatid sa pagbebenta ng boxed meal online.

Narito ang larawan ni Kosit na binahagi ni Dangcal Cavs:

Sadyang maraming kabuhayan ang napektuhan dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Ngunit nakakabilib ang mga taong sa gitna ng mga nangyayari ngayon, naiisip pa ring maging positibo sa mga bagay at gamitin ang lahat ng paraan upang ipagpatuloy pa rin ang laban ng buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel