Kakaibang wedding proposal ng isang konsehal, nagpakilig sa 6.6 million netizens

Kakaibang wedding proposal ng isang konsehal, nagpakilig sa 6.6 million netizens

- Viral ngayon ang kakaibang wedding proposal ng isang konsehal ng Santiago City sa Cagayan Valley

- Tila tinakot muna niya ang kanyang bride-to-be bago niya ito pakiligin sa agaw-eksenang proposal

- Nang malaman ng babae na wedding proposal pala ito, napaiyak talaga siya sa sobrang pagkagulat

- Pinag-awayan pa raw nila ito ilang araw bago maganap ang kakaibang proposal at ngayon nalaman na niya kung para saan ang lahat ng tila itinatago sa kanya ng nobyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa kakaibang proposal na hinand ni Councilor Vinchy Aggabao ng Santiago City, Cagayan Valley para sa kanyang nobya na si Irene Uy.

Ginanap ito noong Mayo 16, kung saan walang kaalam-alam si Irene sa mangyayari.

Ang eksena, tila nahuli pa ang konsehal dahil umano sa kanyang sasakyan. Nagkunwari pang nakipagtalo ito sa awtoridad.

Iyon pala, nasa likod ng sasakyan ang kanyang props na nagsasabing "Marry me, Irene."

Makikita sa mata ng kanyang bride ang takot sa nangyayari kaya naman nang makita niya ang nasa likod ng kanilang sasakyan, napaiyak talaga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ninerbyos daw siya sa umpisa ngunit nang makita ang lahat ng kaganapan, tila nasagot din ang ilang araw niyang naoobserbahan sa nobyo.

Pinag-awayan pa raw nila kasi ito at nakuha pang magduda ni Irene na may kinakausap na iba ang konsehal.

Doon niya napagtanto na iyon pala ang preparasyon para sa nakakakilig na proposal nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, umabot na ng mahigit 6.6 million views ang video na nagpakilig sa maraming Pinoy.

Tunay na namamayani pa rin ang pag-ibig sa kabila ng krisis ng COVID-19.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Classy Events:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel