Video ng pagtulong ni Francis Leo Marcos na namimigay ng tulong muling nag-viral
- Muling naibahagi sa social media ang umano'y video ng pagtulong ni Francis Leo Marcos sa mga tao
- Ayon sa post, kuha ang nasabing viral na video siyam na taon na ang nakakaraan
- Makikita si Francis Leo Marcos sa nasabing video na namamahagi ng supot sa nakapilang mga tao
- Matatandaang naging kontrobersiyal ang social media personality na kilala sa kanyang pinausong "Mayaman Challenge'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos ang pagkaaresto kay Francis Leo Marcos na kilala din bilang si Norman Mangusin, isang video ang ngayon ay kumakalat sa internet.
Ayon sa isang Facebook post ng FB Page na Yummy, kuha ang nasabing video siyam na taon na ang nakakaraan. Makikita si FLM na namimigay ng supot na naglalaman umano ng bigas sa mga nakapilang mga tao.
Namimigay din siya ng libreng salamin para sa mga tao.
Matatandaang inaresto ang social media personality sa diumano'y paglabag niya sa Optometry Law.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang reaksiyon ng netizens sa nasabing video:
Yan ang tunay na idol ko salute syu boss FLM mabuhay ka para marami kpa matulungan...
Tapos hinuli nyo dahil jyn sa nag bigay ng mga salami g na dikaya maka bili kalabao naman na dahilan. Dapat nga pasalamat an ang mga ganyan tao ano ayan mundo natin ngayon baliktad na mga ngyayari.
Ayan naman pala 9-YEARS ago tumutulong na si FLM, panahon pa ni Noynoy Aquino iyan
Matatandaang sumikat si FLM matapos niyang maghamon sa mga politiko at mayayaman na tumulong din sa mga mamamayang apektado ng pandemic. Gayunpaman, may mga lumabas na akusasyon laban sa kanya tungkol sa umano't tunay niyang pagkatao.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Sa naunang ulat, hindi umano pagmamay-ari ni FLM ang bahay at mamahaling sasakyang kanyang ginagamit sa kanyang mga videos ayon sa NBI.
POPULAR: Read more news about Francis Leo Marcos here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh