Batang lalaki, napaiyak matapos muling makakain ng kanyang favorite meal mula sa McDonald's

Batang lalaki, napaiyak matapos muling makakain ng kanyang favorite meal mula sa McDonald's

- Kinaaliwan ng netizens ang reaksiyon ng isang batang muling nakakain ng kanyang paboritong pagkain mula sa McDonald's

- Ilang buwan nang hindi nakakain ng ganoong pagkain ang bata matapos ang pagsasara ng mga establisyemento dahil sa lockdown

- Napaiyak ang 9-taong gulang na bata dahil sa sorpresa na ito ng kanyang ina

- Paliwanag ng kanyang ina, kaya medyo sobra ang reaksiyon ng kanyang anak ay dahil sa kanyang mild autism

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga netizens ang video ng reaksiyon ng 9-year-old na si Adam Bin Mohammad Irwan. Ito ay matapos surpresahin siya ng kanyang ina.

Matapos ang ilang buwang lockdown sa Singapore, muling nakabili ng paboritong McDonald's meal ng anak ang inang si Mum Wati.

Kagaya ng ibang establisyemento, napilitang magsara ang McDonald's dahil sa lockdown na ipinapatupad bunsod ng kumakalat na COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi ni Wati ang reaksiyon ng kanyang anak matapos nitong malaman ang kanyang sorpresa.

Hindi makapaniwala ang anak at nag-iiyak ito hanggang sa niyakap niya ang kanyang ina dahil sa sobrang tuwa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Makikita sa viral na video ang nakakaaliw na reaksiyon ng bata habang nilalasap ang lasa ng kanyang Chicken McNuggets.

Ayon sa ina, Nuggets, fries at ice cream ang paboritong pagkain ng kanyang anak. Nilinaw din niyang ang reaksiyon ng kanyang anak ay dahil sa kanyang sensory sensitivity at mild autism.

Ang autism ay isang kapansanang nakakaapekto sa paglaki ng isang tao na nakakasagabal sa pakikipagusap, at pag-uugnay sa ibang tao. Ito ay nauuri sa mga kapansanan sa pakikitungo, sagabal sa pakikipag- usap, at limitado, paulit-ulit, at pare-parehong modelo ng ugali.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel