Nagpakilalang blogger, binatikos dahil sa kanyang 'prank' sa isang restaurant

Nagpakilalang blogger, binatikos dahil sa kanyang 'prank' sa isang restaurant

- Isang restaurant ang nabiktima ng prank ng isang nagpakilalang blogger

- Ibinahagi sa Facebook page ng isang restaurant sa San Pedro, Laguna ang kanilang pagkadismaya

- Ito ay matapos mag-order ang isang customer at nag-cancel nang i-dedeliver na ang kanyang order

- umani ng samu't-saring reaksiyon at pambabatikos ang nasabing post na ngayon ay viral na sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumatikos sa isang nagpakilalang blogger na naibahagi sa Facebook Page ng Chacha Special Binalot Sa Dahon restaurant.

Ayon sa post ng nasabing restaurant na matatagpuan sa San Pedro, Laguna, pasara na sila nang matanggap ang order ng isang nagngangalang Reynan Ganete.

Gayunpaman, mukhang fake account ang ginamit ng ng nasabing Facebook user.

Ibinahagi ng restaurant ang mga screenshot ng mga mensahe ng Facebook user nang umorder ito hanggang sa ihahatid na lamang ng rider ang pagkain at bigla itong nag-cancel.

Umabot sa P1,061 ang halaga ng pagkaing kaniyang inorder at nagsabi pang P1,500 ang kanyang perang pambayad.

Habang hinahanap na ng rider ang address ng nasabing customer, bigla nitong sinabi na “cancel na po" at canton na lang daw ang kakainin ng mga pinsan niya.

Sinubukang pakiusapan ng restaurant na bawal nang i-cancel ang kanyang order dahil naluto na at ihahatid na lang ang kanyang order.

Hindi nagpatinag ang customer at nanindigang magca-cancel na siya ng kanyang order.

Ayon pa sa restaurant, pinilit ng kanilang rider na ihatid ang pagkain kahit umaambon dahil naisip nilang iyon ang panghapunan ng customer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“It’s a prank. Para po sa blog namin hehe. Thank you for being a sport," ito ang pahayag ng customer matapos maglabas ng pagkadismaya sa panig ng restaurant.

“Sa lahat ng nangyayari satin may ganito pa palang tao…pa close na kami hinabol pa namin yung order niya kasi baka need nila talaga ng dinner, sabi na din ng rider namin sayang daw yan at i-last order na namin kahit medyo maambon hahatid daw niya… Hindi na naawa sa mga nag hahanap buhay kahit sa rider na gustong ihatid ang pagkain niya."

Matapos mag-viral ang nasabing post, marami ang naghayag ng kanilang kagustuhan na bilhin na lamang ang kinanselang order pero binigay na umano nila iyon sa rider at mga staff ng restaurant.

Kadalasang naibabahagi sa social media ang mga reklamo sa fake booking lalo na sa kasalukuyang sitwasyon na sa online order ang mas madali at ligtas.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel