Mag-asawang naka-kariton na tutulong sa vlogger na 'nasiraan ng kotse', nabiyayaan

Mag-asawang naka-kariton na tutulong sa vlogger na 'nasiraan ng kotse', nabiyayaan

- Mabilis na nag-viral ang video ni Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer tungkol sa pagtulong muli niya sa mga nangangailangan

- Ngayon, ang napili niyang tulungan ay ang mag-asawang 'bote dyaryo' ang pinagkakakitaan

- Nagpanggap siya na nasiraan ng sasakyan at handa namang tumulong ang mag-asawa

- Bakas sa mukha ng dalawa ang kaligayahan nang malaman na ang bibigyan pala sila ng grocery items ng vlogger at hindi totoong sira ang sasakyan nito

- Patunay pa na sadyang mabuti ang kalooban ng mag-asawa nang sabihin ng lalaki na ibabahagi rin nila ito sa kanilang mga kapitbahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang nakakataba ng puso na muling pagtulong ni Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Nalaman ng KAMI na nag-grocery siya upang ibigay sana sa isang matandang lalaki na minsang nanghingi ng tulong sa kanya.

Ngunit dahil hindi niya ito nakita,sa isang mag-asawang pangangalakal ng 'bote dyaryo' ang pinagkakakitaan nalang niya ito binigay.

Nagpanggap muna si Basel na nasiraan ng kotse. Kita na agad ang kabutihan ng mag-asawa na to the rescue agad sa vlogger.

Bakas sa kanila ang pagmamalasakit sa vlogger at nang tanungin sila nito kung maari siyang ihatid sa kanyang bahay, hindi sila nagdalawang isip.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Katunayan, inayos pa nila ang mga kalakal para mai-pwesto sana ang gamit ni Basel.

Doon sinabi ng vlogger na ang mga grocery items ay para sa mag-asawa talaga at hindi totoong sira ang kotse niya.

Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa tulong na inabot ni Basel. Lalo nilang napatunayan na sadyang mabubuting tao sila nang sabihin ng lalaki na balak pa nilang ipamahagi ang mga natanggap sa kanilang mga kapitbahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Makatikim lang kami, ayos na sa amin," paliwanag ng lalaki.

Bago pa sila umalis, nakuha pa nitong balikan si Basel sa sasakyan nito para magpasalamat muli.

Tunay na nakamamangha ang kabutihang ipinakita ng vlogger gayundin ang mga taong kanyang natulungan. Narito ang kabuuan ng video:

Kilala si Basel bilang isang vlogger na naka-base sa ating bansa. Mahal niya ang Pilipinas kaya naman mas pinili niyang manirahan dito. Marunong na rin siyang mag-tagalog at sanay na siyang makihalubilo sa mga Pilipino.

Mas lalo siyang nakilala dahil ang kanyang mga vlogs ay patungkol sa pagtulong sa mga Pinoy na naghihikahos lalo na ngayon na dumaranas tayo ng krisis dulot ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel