Bonding ng mag-amang Aljur Abrenica at Alas Joaquin, kinagiliwan ng mga netizens

Bonding ng mag-amang Aljur Abrenica at Alas Joaquin, kinagiliwan ng mga netizens

- Todo suporta ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa hilig ng kanilang anak na si Alas Joaquin

- Kaya naman, naging bonding na nila ang pagpe-paint kahit pa sa pader at pinto ng bahay nila

- Kinagiliwan ng mga netizens ang mga bonding moments ng mag-amang Aljur at Alas

- Kamakailan ay ibinahagi ni Kylie ang mga 'obra' ng mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw at bumilib sa mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla dahil sa pagiging supportive nila sa hilig ng kanilang anak na si Alas Joaquin.

Kagaya ng ibang mga celebrity parents, hinayaan ng mag-asawang i-expres ng kanilang dalawang taong gulang na anak ang kanyang sarili sa pamamagitan ng painting. Gayunpaman, hindi kagaya ng iba, hindi limitado sa papel at canvas ang pinagpipintahan ni Alas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit ang kanilang pader ay hindi nakaligtas sa mga paintings ni Alas at pati na rin ni Aljur. Ito ang nagsilbing bonding moment nila sa panahon ng home quarantine.

Ipinkita ni Kylie ang kanilang 'obra' kamakailan sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories.

Hindi din nakaligtas ang pintuang salamin nila sa kanilang balkonahe.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Kinabiliban ng mga netizens ang pagiging suportive ng mag-asawa.

Nakakatuwa! Napaka suportive nila kay Alas. Di baleng madumihan ang bahay kung para sa development ng anak nila!
Kudos sa mag-asawang ito! Kahit mga sikat ay napakasimple at hindi maarte
Sana all may space para papinturahan sa anak! lol! Pero nakakaaliw talaga ang pamilyang ito.

Si Kylie Padilla ay anak ng action star na si Robin Padilla. Ikinasal siya sa Kapamilya actor na si Aljur Abrenica at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel