Japanese wrestler at ‘Terrace House’ star na si Hana Kimura, pumanaw sa edad na 22

Japanese wrestler at ‘Terrace House’ star na si Hana Kimura, pumanaw sa edad na 22

- Marami ang nabigla sa balitang pumanaw na ang Japanese wrestler at ‘Terrace House’ star na si Hana Kimura

- Kinumpirma ng Stardom Wrestling, ang women's wrestling organization sa Japan na kinabibilangan niya ang balita

- Ayon sa mga ulat, may mga social media posts ito na nagsasabing nakaranas siya ng pambu-bully online

- Hindi nabanggit sa mga naunang ulat ang dahilan ng pagpanaw ng Netflix reality show star sa edad na 22

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nabigla sa balita tungkol sa pagpanaw ni Hana Kimura. Kilala siya bilang isang professional Japanese wrestler na naging bahagi ng pinakahuling season ng reality show na "Terrace House" na mapapanood sa Netflix.

Kinumpirma ng women's wrestling organization sa Japan na Stardom Wrestling ang kanyang pagpanaw. "We are very sorry to report that our Hana Kimura has passed away."

"Please be respectful and allow some time for things to process, and keep your thoughts and prayers with her family and friends. We appreciate your support during this difficult time."

Hindi naman nabanggit ang dahilan ng pagpanaw ng 22 anyos na wrester.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa mga lumabas na ulat, ilang beses nang ibinahagi ni Kimura sa social media ang naranasang pambu-bully online.

Sa pinaka huling Instagram post niya, nagbahagi siya ng mensaheng, "I love you, have a long, happy life. I'm sorry."

Si Kimura ay sumikat nang mapabilang sa main cast members ng "Terrace House Tokyo 2019-2020."

Ang "Terrace House" ay isang reality show na nagpapakita ng buhay ng anim na taong hindi magkakakilala at naninirahan sa isang bahay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Anak siya ni Kyoko Kimura na kilala din sa larangan ng women's wrestling.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel