Lola na kinulang ng perang pambili ng smartphone para sa online class ng apo, viral

Lola na kinulang ng perang pambili ng smartphone para sa online class ng apo, viral

- Agaw eksena online ang larawan ng mag-lola na kinulang ng pera sa pagbili ng smartphone sa apo

- Gagamitin ito ng bata para sa kanyang online classes lalo na ngayon na distance learning ang karamihan na ginagawa ng mga paaralan

- Maging ang salesman ng tindahan ng cellphone ay nadurog ang puso sa mag-lola

- Naisip niyang labis na mahirap ang online classes sa ibang mga bata lalo na kung wala kakayahang ang mga ito na magkaroon ng smartphone idagdag pa ang internet access na dapat ding paglaanan ng halaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapukaw sa puso ng maraming netizens ang viral post tungkol sa mag-lolang kinulang ng pera pambili ng smartphone na gagamitin sana sa online classes ng apo.

Nalaman ng KAMI na binahagi ito ng mismong salesman na si Jatupol Boriboon ng Rattanaburi, Thailand na siyang kumausap sa mag-lola nang mapadpad ito sa stall nila ng Vivo smartphone.

Kwento ng netizen, 2000 baht o nasa ₱3,000 lamang ang pera ng lola para sana pambili ng smartphone ng apo.

Pinaliwanag ni Jatupol na hindi kasya ang pera ng mag-lola. Nagtanong pa raw ang matanda kung mayroon pang ibang cellphone na kasya sa kanilang pera, ngunit siya mismo ay nalungkot nang sabihin niya sa mag-lola na wala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hindi rin naman daw kayang magbayad ng installment plan ng lola lalo na at kailangan pa nila ng internet access sa pag-aaral ng apo online.

Nadurog ang puso ni Jatupol at naisip kung gaano kahirap ang online classes na kadalasan nang inihahain sa mga paaralan sa buong mundo dala ng pandemya na hindi pa rin nasosolusyunan.

Paano na lamang ang tulad ng mag-lola na ito na nagsusumikap na makisabay sa sistema ng edukasyon kahit na sa pang-araw araw na pamumuhay ay nahihirapan na sila.

Sa ating bansa, isa ang online learning na inihain ng Department of Education sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang ito sa ilang opsyon ng pagkatuto ng mga bata na magpasahanggang ngayon ay umaani ng batikos mula sa iba't ibang grupo ng tao sa bansa.

Labis na nangangamba ang mga magulang na hangga't wala pang lunas na natutuklasan para sa COVID-19, lubhang mapanganib pa para sa kanilang mga anak ang pagpasok sa paaralan.

Ang ilang mungkahi naman ay di nalalayo sa sitwasyon ng mag-lola sa Thailand na nagsisikap na maipagpatuloy ang edukasyon ng apo ngunit sadyang masaklap ang kanilang sitwasyon.

Hangad ng marami na sana'y matapos na lamang ang pandemyang ito upang mamuhay na muli ng normal ang lahat lalo na ang mga bata na ilang buwan na ring nakalagak sa loob lamang ng kani-kanilang tahanan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel