Nag-viral na construction workers na naisipang maglako ng merienda, natulungan

Nag-viral na construction workers na naisipang maglako ng merienda, natulungan

- Viral ngayon ang larawan ng mga construction workers na naisipang dumiskarte ng pagkakakitaan

- Hindi raw sila maaring makakuha ng anumang ayuda kaya naman nag-isip sila ng ibang paraan para kumita

- Stranded sila sa construction site at wala ring kinikita dahil hinto ang kanilang trabaho

- Dahil sa nag-viral ang post ng nagmalasakit na netizen, nakalikom ito ng tulong para sa mga trabahador at patuloy pa rin ang dagsa ng suporta para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang ginawang diskarte ng ilang construction workers na nakaisip maglako ng merienda.

Binahagi ni Susan Isorena-Arcega ang larawan ng apat na mga lalaki na nagalalako ng turon at lumpiang togue tuwing hapon.

Sa kanyang pag-uusisa, napag-alaman ni Susan na pawang mga construction workers ang mga ito na kasalukuyang stranded dahil sa community quarantine.

"Dumidiskarte lang, Nay. Kasi po hindi kami entitled sa anumang ayuda. Hindi po kami puedeng umasa sa wala," paliwanag ng isa sa kanila.

Ilang balita na ang lumabas patungkol sa kalagayan ng mga tulad nilang nagtatrabaho sa construction ngunit ang apat na ito ang may kakaibang pananaw patungkol sa kinakaharap nating krisis dulot ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Imbis na maghintay ng tulong o umasa sa ayuda, nakaisip sila ng paraan upang masiguro lamang na may kakainin sila sa araw-araw.

Dahil sa marami ang humanga sa mga construction workers na ito, inulan sila ng tulong.

Laking pasalamat din nila kay Susan na siyang nagbahagi ng larawan nila kaya naman ngayon, unti-unti na silang natutulungan.

Habang ang ilan sa kanila ay naghihintay na makabalik sa trabaho, ang ilan naman sa kanila'y nais na makapiling na ang kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad na lamang ng naunang ulat ng KAMI kung saan walong construction workers ang nagtangkang maglakad mula Maynila hanggang Nueva Ecija.

Mabuti na lamang na sa kanilang paglalakbay, may mga taong mayroong mabubuting kalooban ang tumulong sa kanila upang makarating agad sila sa kanilang paroroonan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel