Bilang ng mga estudyanteng namamatay sa China sa pagbabalik eskwela, tumataas

Bilang ng mga estudyanteng namamatay sa China sa pagbabalik eskwela, tumataas

- Nadaragdagan ang bilang ng mga estudyante sa China na nasasawi sa pagbabalik nila sa klase mula pa noong Abril

- Sa kabila ng bali-balitang muling lumalaganap ang virus sa ilang probinsya sa China, patuloy pa rin ang pagbabalik paaralan ng mga mag-aaral

- Kamakailan, tatlong high school students ang binawian ng buhay habang sila ay nag-eehersisyo sa kanilang Gym Class

- Habang ang ilan ay nagsasabing dahil lamang ito sa paggamit ng face mask, marami pa rin ang lumalabas na espekulasyon na muling pagkalat ng COVID-19

- Nananatili pa rin daw tikom ang mga bibig ng opisyal ng mga paaralan kaugnay sa mga insidenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di maiwasang maalarma ng mga magulang ng mga Chinese students sa ilang probinsya ng China dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng nasasawi sa muling pagbubukas ng klase sa kani-kanilang lugar.

Kamakailan, naibalita ng The Epoch Times na tatlong Chinese High School students ang pumanaw sa mismong paaralan ng mga ito.

Nalaman ng KAMI na ang isa ay namatay habang tumatakbo para sa kanilang Gym class.

Ang dalawa nama'y nag-eehersisyo nang may suot pa ring mask.

Dahil dito, tinitingnan din ang anggulo na maaring hindi nakahinga ang mga estudyante dahil sa mask na kanilang suot habang sila ay nasa klase ng Physical Education.

Tikom daw ang bibig ng mga opisyal ng paaralang ito na nasa Norte lamang ng Wuhan sa Hubei province.

Matatandaang ang Wuhan ang episentro ng noo'y tinawag na novel coronavirus o mas kilala na ngayon bilang COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, sa Hunan province naman, bandang timog ng Hubei, napilitan lamang daw umanong pabalikin ang mga bata sa paaralan sa kabila ng banta ng muling paglaganap ng COVID-19.

Isang guro pa rito ang nagsabi na maaring mas delikado sa kalusugan ng mga kabataan ang pagsusuot pa ng mga ito ng mask sa paaralan.

"In my opinion, students will be unhealthier after wearing the masks, I think if the students are healthy, and there is no virus in school, then there is no need for them to wear masks. It is uncomfortable to the students to wear masks in class and it is very suffocating to wear masks for a long period of time," pahayag ni Mr. Luo na isang high school teacher.

Sa naung ulat ng KAMI, ilang estudyante naman ang kumpirmadong nagkahawahan ng coronavirus sa kanilang pagbabalik sa paaralan.

Ilang mga magulang ang nagprotesta rito sa pag-aakalang ligtas na nga ang kanilang mga anak sa pagpasok muli sa paaralan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katunayan, ilang mga magulang din ang nagsagawa ng protesta sa paaralan kung saan naglagay pa umano sila ng mga banner na nagpapahayag ng kanilang saloobin sa nangyayari.

Right to Know, Why Cover-Up” “Injustice! Lost Lives.” "Give My Child Back, Give Me The Truth," ang ilan sa mga pakahulugan ng mga banner ng magulang bilang protesta sa paaralang nagbukas sa kabila ng banta muli ng pandemya sa kanilang lugar.

Hindi raw umano kasi ipinaalam sa mga magulang ang kalagayan ng bata na noo'y sumakit ang ulo sa klase. Sa halip, inihiwalay lamang ito sa kanyang mga kamag-aral.

Isa ring residente doon ang nakakuha ng video kung saan isang ambulansya at may mga medical workers na nakasuot ng personal protective equipment ang may tila ipinapasok na tao sa loob ng sasakyan mula sa paaralan.

Labis na nakaaalarma raw ito lalo na at isinagawa ito sa hatinggabi.

Sa Pilipinas, inanunsyo ng Department of Education na Agosto 24 ang opisyal na pagbubukas ng klase ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng ilang protesta ng mababatas, mga medical experts lalong lalo na ang mga magulang na ipagpaliban na muna ang panuruang taon na ito hangga't wala pang kasiguruhang ligtas ang mga anak at estudyante sa pagbabalik nila sa eskwelahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel