Sam Milby, hindi naitago ang kilig nang aminin ang nararamdaman kay Catriona Gray

Sam Milby, hindi naitago ang kilig nang aminin ang nararamdaman kay Catriona Gray

- Hindi naitago ni Sam Milby ang kanyang kilig nang magbigay ng mensahe si Miss Universe 2018 Catriona Gray

- Ito ay nangyari sa Facebook Live show ng Cornerstone Entertainment na CSTV Presents: Lunch With The Stars

- Ngayong araw May 23, ay ipinagdiriwang ng aktor ang kanyang ika-36 na kaarawan

- Inamin ng aktor na ang beauty queen ang ang babaeng nagpapakilig sa buhay niya ngayon

Sam Milby, hindi naitago ang kilig nang aminin ang nararamdaman kay Catriona Gray

Sam Milby, hindi naitago ang kilig nang aminin ang nararamdaman kay Catriona Gray
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa naging reaksiyon ni Sam Milby matapos magbigay ng surprise birthday greeting si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa kaarawan ng aktor.

Bakas ang saya sa mukha ng aktor habang pinapanood ang mensahe ng beauty queen.

Ito at naganap kamakailan sa sa Facebook Live show ng Cornerstone Entertainment na CSTV Presents: Lunch With The Stars.

Narito ang buong mensahe ni Cat para sa aktor: "Hey, Sam! Happy, happy birthday.

"I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness.

"You are loved by so, so many!"

Kasunod nito ay ang panunukso ng dalawang kaibigan ng aktor na sina John Prats at Pooh na kasama niya sa nasabing Facebook live streaming.

Dahil sa naging reaksiyon niya ay lalong tinukso siya ng mga kaibigan at hiningian ng mensahe. Kahit nahihiya ay pinilit nitong magbigay ng kanyang mensahe.

"Kay Ms. Catriona... Hi! Nahiya ako... Hi!"

"Thank you for your greeting... uhm... uhm... yeah... nahiya ako..."pagpapatuloy niya habang pinipilit itago ang kilig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko."

Dahil sa pamimilit nina Pooh at John, inamin ni Sam na kinilig siya sa mensahe.

"Basta I'm kilig sa message. Super kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you," pag-amin ng aktor.

Inamin niya rinf espesyal para sa kanya ang beauty queen.

Ani John, masaya siya para sa kaibigan na masaya sa ngayon.

Matatandaang naging usap-usapan sina Sam at Catriona matapos lumabas ang litrato na magkasama sila. Gayunpaman, nilinaw ng manager ni Catriona na siya ang nag-imbita sa beauty queen at pamilya nito kung saan naroon din si Sam.

POPULAR: Read more about Sam Milby here

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sam Milby ay isang Kapamilya actor na nagsimula bilang isang modelo. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother. Ngayong araw May 23, ay ipinagdiriwang ng aktor ang kanyang ika-36 na kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel