Maritoni Fernandez, napabilib sa katapatan ng isang delivery driver

Maritoni Fernandez, napabilib sa katapatan ng isang delivery driver

- Binigyang pugay ng aktres na si Maritoni Fernandez ang katapatan ng isang delivery driver

- Ito ay matapos isauli ng driver ang pera na nagkakahalaga ng P130,000 sa kapitbahay ng aktres

- Imbes na dokumento ay pera ang naibigay ng kanyang kapitbahay sa delivery driver

- Umani ng papuri ang katapatan ng driver lalo na sa kasalukuyang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinabiliban ng aktres na si Maritoni Fernandez ang katapatan ng isang delivery rider na nagbalik ng perang nagkakahalaga ng P130,000 sa kanyang kapitbahay.

Ayon sa aktres, hindi namalayan ng kanyang kapitbahay na sa halip na ang dokumentong dapat niyang ipadala ang kanyang ibigay, isang sobre na naglalaman ng pera ang kanyang naiabot.

Hindi din agad namalayan ng driver na pera pala ang kanyang natanggap. Gayunpaman, agad siyang bumalik upang isauli ang pera nang mapag-alamang pera at hindi dokumento ang kanyang dala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Shout out to our neighbors Lalamove driver who was so honest today. She was a little dazed when she gave the wrong envelope to him this morning. 130k in cash to be exact. Jerome Gulang was already in Cubao when he realized she had given him the money instead of the package he was supposed to be delivering and went all the way back. You are an angel and the Lord Jesus will bless your honest heart Jerome," ani Maritoni sa kanyang Instagram post sabay ang pagbahagi ng larawan ng matapat na driver.

Umani ng pagpupuri at pagpupugay ang driver mula sa mga netizens.

Mabuhay ka Sir Jerome... you have my respect... ang sarap maging Pilipino.
Mabuhay ka Sir Jerome... you have my respect... ang sarap maging Pilipino.
Thank you for your honesty kuya! We will pray for your safety and good health always

Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa na hindi lahat ay nakakalabas, malaki ang papel na ginagampanan ng mga delivery riders na patuloy na nagbibigay ng kanilang serbisyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Maritoni Fernandez ay isang aktres. Siya ang ina ng aktres na si Lexi Fernandez. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Stella Magtangol (1992), Dyesebel (1996) at Soldier Soldier (1991).

POPULAR: Read more about Maritoni Fernandez here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel