Viral na lolang nangatok sa kanilang munisipyo sa kasagsagan ni "Ambo", natulungan na

Viral na lolang nangatok sa kanilang munisipyo sa kasagsagan ni "Ambo", natulungan na

- Matapos na mag-viral ni Lola Editha Hernandez ng Rizal, inulan na siya ng tulong mula sa netizens at mga 'Kapuso'

- Nadurog ang puso nila nang makitang nangangatok ito sa munisipyo ng Rodriguez, Rizal sa kasagsagan ng bagyong Ambo noong Mayo 15

- Hihingi sana ang 82-anyos ng tulong ngunit sa ksamaang palad, hindi siya napagbuksan

- Napapalakpak sa tuwa si Lola Editha nang matanggap niya ng tulong mula sa mga nagmamalasakit na netizens na nakapanood ng kanyang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig ang puso sa ginawa ni Lola Editha Hernandez na sa kasagsagan ng bagyong Ambo, lakas loob itong nangatok sa munisipyo ng Rodriguez, Rizal.

Nalaman ng KAMI na minsan nang nai-feature ng 24 oras si Lola Editha dahil sa paghingi nitong ng tulong sa kanilang munisipyo noong Mayo 15.

Di alintana sa 82-anyos na lola ang bagyo noon dahil mas kinakailangan niya noon ng makakain at pambili ng kanyang gamot.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa kasamaang palad, hindi siya noon napagbuksan.

Ilang araw ang makalipas mula nang mapanood siya ng maraming netizens, dinagsa ng tulong si Lola Editha.

Nang i-abot ito ni Maki Pulido ng GMA News ang nalikom na tulong para sa matanda, napapalakpak ito sa tuwa.

Aniya, may pambili na siya ng kanyang mga gamot. Nagpapasalamat din siya sa lahat ang biyayang kanyang natanggap.

Nagpasalamat din siya sa mga Kapuso at sinabing ipinagdarasal din niya ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Lola Editha, maraming senior citizens ang umaasang sila ay mabibigyan ng ayuda mula sa social amelioration program na pinamamahagi ng DSWD.

Ngunit sa kadahilanang hindi pasok ang ilan sa kwalipikasyon ng maaring makatanggap nito, hindi rin daw lahat ng senior citizens ay nabibigyan.

Mabuti na lamang, may mga taong handang magbahagi at magbigay ng tulong sa mga nangangailangan tulad ni Lola Editha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel