4 na magkakapatid, namumuhay mag-isa matapos mamatay ng ina at ma-quarantine ang ama

4 na magkakapatid, namumuhay mag-isa matapos mamatay ng ina at ma-quarantine ang ama

- Naiwan sa pangangalaga ng panganay na 14-anyos ang tatlo pa niyang mga kapatid matapos pumanaw ng ina noong Mayo 9

- Ang ama nito na nag-aalaga sa kanilang ina noon sa ospital ay kasalukuyang naka-quarantine

- Hindi man COVID-19 ang ikinamatay ng ina, agad naman itong inilibing kaya naman di na muli pa itong nakita ng mga anak

- Nagmamalasakit naman ang mga kapitbahay ng mga bata sa kanila sa pakikipagtulungan din ng kanilang barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiwang walang nag-aalagang nakatatanda ang magkakapatid na sina Marjun, Cathleen, Johnvic, at Jesna na pawang mga taga Minglanilla, Cebu.

Nalaman ng KAMI na pumanaw na ang ina ng mga bata noong Mayo 4 sa sakit na hypokalemia. Ito ay ang pagbaba ng level ng potassium sa dugo.

Ayon sa ulat ni Jude Torres ng ABS-CBN News, hindi man COVID-19 ang ikinamatay ng ina, agad na rin itong inilibing dahilan para hindi na ito muling makita pa ng kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bilang pag-iingat, kasalukuyan namang naka-quarantine ang ama na siyang nagbantay sa kanyang asawa noong ito'y nasa ospital pa.

Kaya naman naiwan sa pangangalaga ng 14-anyos na panganay ang kanyang mga kapatid.

Awang-awa sa mga bata ang kanilang mga kapitbahay kaya naman tinutulungan na rin nila ito.

Binibigyan daw nila ito ng makakain at sila na rin ang kahit na paano'y tumitingin sa kalagayan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang pamunuan ng kanilang barangay sa Sitio Panaghiusa II sa Barangay Tunghaan ay nangakong tutugunan nila ang ma pangangailangan ng mga bata lalo na at walang magulang na gumagabay sa kanila ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel