Shuttle service driver, inspirasyon ang hatid sa mga empleyadong sakay niya patungong trabaho

Shuttle service driver, inspirasyon ang hatid sa mga empleyadong sakay niya patungong trabaho

- Viral ngayon ang larawan ng isang shuttle service driver na bukod sa naghahatid sa mga empleyado, may libre pa itong mga kukutin para sa kanila

- Bukod pa rito, puno pa ng Bible verses ang kaniyang sasakyan upang magbigay ng inspirasyon sa mga isinasakay niyang empleyado

- Proud naman ang kanyang misis sa gawaing ito ng kanyang mister dahil ito raw ang paraan nila ng pagpapasalamat sa biyayang natatanggap sa kabila ng kinahaharap na pandemya

- Maging ang mga netizens ay humanga sa gawaing ito ng shuttle service driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang appreciation post ng misis ng shuttle service driver na si Monching Bueno dahil sa pagbibigay umano nito ng inspirasyon sa kanyang mga isinasakay na empleyado.

Proud ang misis ni "Kuya Monching" na si Mia Bueno dahil bukod sa kanyang serbisyo, napapagaan din umano nito ang loob ng kanyang mga pasahero.

Nalaman ng KAMI na bukod sa makikitang mga kukuting pagkain sa may unahan ng sasakyan, napapaligiran din sila ng mga Bible verses na tiyak na makakapagpangiti sa mga nakasakay.

Lalo na at sila yung mga pumapasok pa rin sa trabaho sa kabila ng pandemya. HIndi man sila frontliners na maituturing ngunit malaki rin ang kanilang ginagampanan sa laban ng bansa kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Negosyante umano ang mag-asawang sina Monching at Mia. Lights and sounds rental ang kanilang kinabubuhay ngunit dahil ipinagbabawal ang mga pagtitipon ngayon, tigil din ang kanilang hanapbuhay.

Dito naisipan ni "Kuya Monching" na pasamanatalang maging shuttle service driver.

Masaya ang kanilang pamilya dahil sa panahon ng pandemyang ito na marami ang nawalan ng trabaho, maswerte raw silang mag-asawa na mayroon silang kinikita.

Kaya naman bilang pasasalamat sa biyayang natatanggap, pagmamalasakit at inspirasyon naman ang hatid nila sa kapwa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel