Ilang OFW, dumulog na kay Tulfo matapos na mamatay ang ilang kasama sa COVID-19

Ilang OFW, dumulog na kay Tulfo matapos na mamatay ang ilang kasama sa COVID-19

- Humingi na ng saklolo kay Raffy Tulfo ang ilang mga OFW sa Riyadh dahil nais na lamang nilang umuwi ng Pilipinas

- Ang karamihan din sa kanila ay wala na ring trabaho mula pa noong Marso kaya naman wala na ring perang panggastos doon

- Ang masaklap pa nito, tila nagkakahawahan na rin sila ng COVID-19 matapos na ang ilan nilang kasamahan ay makumpirmang namatay dahil sa virus

- Hindi na rin sila pinalalabas pa ng at mahigpit na nakabantay ang mga guwardiya sa kanilang maaring labasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na kay Raffy Tulfo ang OFW sa Riyadh na si Noli Garcia at nais na lamang daw niyang umuwi sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na noong Marso 5 pa siya walang trabaho kaya naman ilang buwan na rin siyang walang sweldo.

Dahil dito, wala na rin siyang maipadala sa kanyang pamilya na nasa Pilipinas.

Kwento pa ni Noli, may dalawa na silang kasamang Pilipino na namatay umano dahil sa COVID-19.

Halos nagkakahawahan na rin daw umano sila sa kanilang tinutuluyan dahil ni hindi na sila nakalalabas. Bantay sarado na sila ng mga pulis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa tindi ng hirap ng kanilang sitwasyon, tulong-tulong na lamang sila sa pangkain nila dahil tulad niya, wala na ring sahod ang iba niyang mga kasama.

Hindi pa rin daw umano sila nagawan ng COVID test dahil matapos na ma-test ang ilan, di na muling bumalik sa kanilang tinutuluyan ang nagsasagawa nito.

Pangamba niya, tila may sintomas na rin siya lalo na at nakararanas siya ng pag-ubo. Pinapanatag na lamang niya ang kanyang sarili na pangkaraniwang ubo at sipon lamang ito.

Bago pa man matapos ang usapan nila ni Tulfo, agad na gumawa na ito ng aksyon sa agarang pagpapauwi ng mga Pinoy sa Riyadh.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maswerte niyang nakapanayam si Senator Bong Go na handa ring tumulong na sa pagpapauwi kina Noli at iba pa nilang kasamahan.

At dahil wala naman ding dalang kahit anong maiaabot si Noli sa kanyang pamilya, Nagpaabot na rin ng tulong si Tulfo sa pamilya nito sa pagbigay ng ₱25,000 sa asawa ng OFW.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Tulfo kay Noli at ilang kasamahan nito:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel