62-anyos na nakapila para makakuha ng pension, hinimatay at natuluyang pumanaw

62-anyos na nakapila para makakuha ng pension, hinimatay at natuluyang pumanaw

- Pumanaw ang 62-anyos na babae habang siya ay naghihintay sa kanyang pension kasama ang kanilang kapwa senior citizen

- Bumulagta na lamang daw ito at hinimatay ngayong Biyernes ng umaga

- Agad na nilapitan ito ng awtoridad gayundin ang isang registered nurse upang matingnan ang kanyang kalagayan

- Sinubukan pa umano itong i-revive ng nurse ngunit tuluyan na itong pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 62-anyos na babae ang biglang hinimatay habang naghihintay ng kanyang pension sa Barangay Bunawan Covered Court sa Davao City.

Ayon sa ulat ni Cheche Diabordo ng ABS-CBN News, matiyagang naghihintay ang lola kasama ang mga kapwa niya mga senior citizens nang bigla na lamang itong hinimatay.

Ngayong Mayo 22 nakatakdang ibigay ang kanilang social pension mula DSWD kaya naman maaga pa ay pumila ang matanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagulat na lamang ang kanyang kasamahan nang bigla itong hinimatay. Nilapitan naman agad ito ng awtoridad at isang registered nurse na naroon din sa lugar.

Sinusubukan pa rin nila itong sagipin ngunit natuluyan nang pumanaw ang lola.

Labis na ikinabahala ito ng mga netizens dahil hindi ito ang unang beses na mayroong nangyaring hindi maganda sa proseso ng pagkuha ng ayuda ng mga senior citizens.

62- anyos na nakapila para makakuha ng pension, hinimatay at natuluyang pumanaw

source: ABS-CBN news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, isang 62-anyos na lolo ang nakapila rin noon upang kumuha ng kanyang ayuda nang biglang hindi na niya maigalaw ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Agad naman itong nadala sa ospital ngunit sa kasamaang palad, dahil sa biglang taas ng blood pressure nito, binawian na rin siya ng buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel