55-anyos, nawalan ng malay at pumanaw habang nagbibisikleta sa kahabaan ng EDSA

55-anyos, nawalan ng malay at pumanaw habang nagbibisikleta sa kahabaan ng EDSA

- Ayon kay MMDA Traffic Zone Head Bong Nebrija, isang lalaki ang pumanaw sa kahabaan ng EDSA ngayon

- Aniya, hinimatay ang 55 anyos na lalaki habang ito ay nagbibisikleta ngayong matindi ang init ng panahon

- Hindi agad naging malinaw ang sanhi ng pagpanaw nito pero posible umanong na-heatstroke ang lalaki

- Nagbigay paalala naman si Nebrija sa mga nais na magbisikleta papunta sa kanilang trabaho na sila ay malusog para kayanin ang init at disyansya ng pupuntahan nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa panahon ngayon, ang pagbibisikleta ay isa sa mga alternatibo upang pumasok sa trabaho dahil mahigpit na ipinagbabawal ang mass transportation ngayon matapos ipatupad ang enhanced community quarantine.

Nalaman ng KAMI na isang lalaki ang pumanaw matapos niyang himatayin habang nagbibisikleta sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa Facebook post ni Metro Manila Development Authority (MMDA) special traffic and transport zone head Bong Nebrija, sa southbound lane ng Magallanes nakita ang 55-anyos na lalaking hinimatay.

“To all fellow bikers out there please make sure you’re fit enough to endure the distance and heat while pedaling to work,” sabi ni Nebrija.

“Biker down on Edsa who suddenly collapsed while plying Magallanes Southbound,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sabi naman sa ulat ng GMA News Online, ang lalaki raw na pumanaw ay dating empleyado umano ng MMDA.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi agad naging malinaw ang ikinamatay ng lalaki pero posible raw na ito ay na-heatstroke dahil sa tindi ng init ng panahon ngayon.

Sa ngayon ay nasa modified enhanced community quarantine pa rin ang Metro Manila dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel