UK Prime Minister, spotted na nakasuot ng souvenir shirt ng Pinas

UK Prime Minister, spotted na nakasuot ng souvenir shirt ng Pinas

- Spotted ang UK Prime Minister na si Boris Johnson na nakasuot ng isang simpleng souvenir t-shirt mula sa Pilipinas

- Suot ito ni Johnson sa kanyang exercise routine kung saan nakuhanan pa ng larawan

- Matatandaang isa ito sa mga tinamaan ng COVID-19 at naka-recover, kaya naman naging habit na nito ang pag-eehersisyo

- Ayon sa mga ulat, ang obesity ang isa sa mga itinuturo nitong dahilan ng kanyang pagkakasakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Spotted ang UK Prime Minister na si Boris Johnson na nakasuot ng isang simpleng souvenir t-shirt mula sa Pilipinas.

Sa mga naibahaging larawan, makikita ang puting t-shirt na suot ni Johnson na mayroong nakasulat na 'Philippines' at makulay na detalye.

Nakuhanan ito ng larawan matapos ang exercise routine nito isang umaga.

Matatandaang isa ang PM sa nakipagbuno sa novel coronavirus at na-admit sa intensive care unit sa isang ospital, na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matapos maka-recover ay naging habit na raw nito ang pag-eehersisyo.

Ayon sa mga ulat, ang obesity ang isa sa mga itinuturo nitong dahilan ng kanyang pagkakasakit.

Sa isang report ng The Sun, sinabi nitong labis na naapektuhan ang kanyang kalusugan matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19.

Isa raw itong wake-up call sa mga mamamayan na maging aktibo sa pag-eehersisyo.

Batay naman sa report ng Manila Bulletin, plano umano ni Johnson ang maglunsad ng anti-obesity drive sa UK na layong makapagbigay ng “preventive and personalized solutions” para sa mga mamamayan nito.

Ayon sa isang report ng Medical News Today, ang obesity ay naiuugnay sa ilang kaso ng COVID-19 base na rin sa mga reports.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel