Cavite Gov. Remulla, umapela sa IATF na payagan ang mag-asawa umangkas sa motorsiklo

Cavite Gov. Remulla, umapela sa IATF na payagan ang mag-asawa umangkas sa motorsiklo

- Nakiusap si Cavite Governor Jonvic Remulla sa Inter-Agency Task Force na payagan na ang pagsakay sa likod ng motorsiklo para sa mga mag-asawa o nagsasama

- Aniya, ang mga ito naman ay magkatabi ring natutulog sa iisang kama kaya walang kaibahan ito sa pagsakay sa iisang motorsiklo

- Marapat lang daw na payagan ito katulad ng pagpayag sa pagbiyahe ng mga mag-asawa na nakasakay sa iisang kotse

- Naisip ni Remulla na mamigay ng “Couple Pass” para sa isyung ito bilang katibayan na mag-asawa ang naka-angkas sa motorsiklo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanawagan si Cavite Governor Jonvic Remulla na payagan na sana ng Inter-Agency Task Force ang pag-angkas sa motorsiklo ng mga mag-asawa o nagsasama sa iisang bahay.

Nalaman ng KAMI na nais sana ni Remulla payagan na ang pagsakay sa likod ng motorsiklo dahil ito rin ang pangunahing transportasyon sa lalawigan.

Sa isang Facebook post, gumawa ng isang liham si Remulla para kay Health Secretary Francisco Duque.

“Ang nais ko po sanang idulog ay mapayagan ang backriding sa kaso ng mag-asawa at nagsasama. Sila po ay natutulog sa iisang kama. Kumakain sa iisang mesa. Naghahati sa iisang magkok ng kanin at nagpapasa ng ulam nang naka-kamay. Ganito po ang buhay dito at sa buong bansa,” aniya.

“Tama lang din po sigurong payagan ang mag-asawa at mga nagsasama na sumakay sa iisang motorsiklo. Kung hinahayaan po natin silang sumakay sa de-aircon na kotse, bakit po hindi sila maaaring sumakay sa isang motorsiklo?” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naisip ni Remulla na isang paraan upang maresolba ang isyu na ito ay ang pamimigay ng “Couple Pass” bilang katibayan na sila ay mag-asawa. Pwede rin nilang gamitin ang marriage contract nila para patotohanan na sila ay mag-asawa sa mga checkpoint.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naiulat naman ng KAMI noon na umapela rin si Remulla kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang middle-class sa mga mabibigyan ng ayuda ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

Kasalukuyang isinailalim na ang lalawigan ng Cavite sa general community quarantine (GCQ).

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel