Tsuper, sa jeep muna nanirahan at walang maipadala sa 8 anak dahil sa tindi ng kahirapan

Tsuper, sa jeep muna nanirahan at walang maipadala sa 8 anak dahil sa tindi ng kahirapan

- Isang tsuper ng jeep ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens ngayon sa social media

- Kwento ni Mang Jordiolyn, ngayong tigil pasada siya ay sa pampasaherong jeep na lang muna niya siya natutulog

- Walang pambayad ng renta ang tsuper at wala rin siyang maipadala para sa pamilya niya sa probinsya

- Aniya, wala rin siyang natanggap na ayuda mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang tsuper ang nanirahan na muna ngayon sa kanyang pampasadang jeep dahil sa matinding kahirapan na dulot ng krisis ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine ay nawalan ng kita si Mang Jordiolyn.

Ayon sa ulat ng GMA News, walang pambayad ng renta ang tsuper. Bukod pa rito ay wala rin siyang perang maipadala sa misis at walo niyang anak sa probinsya ngayon.

Aniya, wala rin siyang natanggap na ayuda mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nagkaroon ng kanya-kanyang saloobin ang mga netizens sa sitwasyon ng tsuper ngayon. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Mahirap na nga maging mahirap mas lalo pang nahirapan dahil sa covid-19. Praying for you tatay at sa family mo. Mamulat na sana ang mga nasa gobyerno.”
“Grabe nmn talaga po jeep driver din azawa q 5 anak namin kaya sobrang hirap napo talaga naiiyak nlng aq..sana nmn bigyang pansin ang mga jeepney driver ilang buwan na pong walang byhe...maawa nmn po kau”
“ Sna mahatiran po sya nang tulong.. God bless you more po sa mga tutulong..”
“Nakakalungkot talaga sa dami ng mga naghihirap basta habaan natin ang ating pasensiya at pag titiyaga ganito talaga ang buhay .”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel