83 pasyente ng Sta. Ana hospital na nag-positibo sa COVID-19, naka-recover na

83 pasyente ng Sta. Ana hospital na nag-positibo sa COVID-19, naka-recover na

- 83 na ang naka-recover na COVID-19 patients sa Sta. Ana Hospital sa Maynila

- Kabilang na rito ang 19 na mga health workers na tinamaan din ng naturang virus ngunit ngayo'y gumaling na

- Apat pang mga health workers mula sa nasabing ospital ang patuloy pa ring nagpapagaling

- 125 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong nagkaroon ng COVID-19 kaya naman malaking bagay na gumaling ang 83 sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa 83 ang naitalang naka-recover sa COVID-19 sa Sta. Ana hospital sa Maynila.

Ayon sa ABS-CBN News, mula sa 125 na kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus, malaking bahagi ang mga naka-recover dito.

Ang nakadagdag pa ng kasiyahan sa ospital ay ang paggaling din ng 19 na mga health workers nila na nagkaroon din ng COVID-19.

Apat na lamang sa kanilang mga kasamahan ang patuloy pa ring nagpapagaling.

Gayunpaman, mayroon pa ring naitalang 18 na pumanaw. Kasalukuyang mayroong 46 na probable cases pa rin ng COVID-19 ang nasabing ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi pa ng medical director ng ospital na patuloy pa ring bukas ang kanilang pagamutan para sa mga COVID-19 patients. Inihahanda na rin ang kanilang COVID-19 testing laboratories.

Malaki ang pasasalamat ng mga gumaling na pasyente sa maayos serbisyo ng ospital. Ramdam daw umano nila ang pagmamalasakit ng mga health workers sa kanila na malaki ang naitulong sa kanilang pagbangon mula sa virus.

83 pasyente ng Sta. Ana hospital na nag-positibo sa COVID-19, naka-recover na

source: Sta. Ana Hospital
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiling naman ng mga medical staff ang patuloy na suporta sa kanila dahil hindi biro ang pakikipaglabang ginagawa nila sa araw-araw nilang pagharap sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na a 3,000 ang bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel