Pamilya ng COVID-19 survivor, nagkakahawan na rin

Pamilya ng COVID-19 survivor, nagkakahawan na rin

- Naka-recover man sa COVID-19 ang ama ng isang pamilya sa Tondo, nahawa naman ang kanyang 11 anyos na anak

- Ang isa pa nitong anak ay kinakikitaan na rin ng sintomas ng COVID-19

- Maliit lamang ang kanilang tinitirahan kaya malaki ang posibilidad na mahawa nga ito

- Nagsagawa na ng swab test sa iba pang miyembro ng pamilya at naghihintay lamang sila ng resulta

- Kung magpositibo sila, agad silang ma-aadmit sa quarantine facility ng Tondo upang mas ma-monitor ang kanilang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumaling man sa COVID-19 ang padre-de-pamilya ng isang mag-anak sa Tondo, Manila, sumunod na nagpositibo naman ang kanyang 11-anyos na anak.

Nalaman ng KAMI na bagaman at positibo ang bata sa virus, naka-home quarantine lamang ito.

Base sa ulat ng GMA News, nagdedeliver daw ng mga medical equipments sa iba't ibang ospital ang ama ng pamilya.

Malaki ang posibilidad na doon daw niya nakuha ang virus noong Abril. Ngunit matapos niyang maka-recover nito lamang Mayo 7, ang 11 taong gulang naman niyang anak ang tinamaan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang isa pa nitong anak na 24-anyos ay kinakikitaan na rin ng sintomas dahil madalas itong nahihirapang huminga.

Ayon sa ina, inoobserbahan pa rin naman nila ito ngayong sila ay nakakulong lang sa bahay at hindi man lang nakalalanghap ng sariwang hangin.

Maging ang 11-anyos nilang anak na kasalukuyang nakikipaglaban sa virus ay nasa itaas na bahagi lamang ng kanilang higaan at may takip o harang lamang na plastik.

Idinulog sa Atang Dela Rama Health Center COVID-monitoring team ang sitwasyon ng mag-anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabi nilang naka-schedule na noong Lunes sa swab test ang iba pang miyembro ng pamilya.

Hinihintay na lamang umano nila ang resulta ng isinagawang test at kung lumabas na positibo ang iba pang miyembro ay malalagak na sila sa quarantine facility ng Tondo upang ma-monitor ang kanilang kalagayan.

Ayon pa sa monitoring team, hindi naman pinabayaan ng barangay ang mag-anak dahil sinisiguro nilang may vitamins, pagkain, at iba pang pangangailangan ang pamilya.

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 13, 434 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pinakamarami pa ring naitatala ng mga nagpositibo sa Metro Manila at Region 7 o Central Visayas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

'Di siya sumuko at natuto sa kanyang mga karanasan. Unti-unti siyang bumangon at nag-ipon at ngayo'y napakalapit na niya sa tuktok ng kanyang mga pangarap.

How I Turned From A Call Center Agent Into A Hotel Co-Owner | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel