Mga estudyante sa China, may suot na 'pakpak' bilang bahagi ng COVID-19 protocol

Mga estudyante sa China, may suot na 'pakpak' bilang bahagi ng COVID-19 protocol

- Nagbukas na ang ilang establisyemento sa China kabilang na ang mga paaralan

- Bilang bahagi ng social distancing protocol, pinagsusuot nila ng pakpak ang kanilang mga estudyante

- Bukod sa mask, suot ng mga bata ang iba't ibang disenyo ng kanilang 'wings'

- Sa ganitong paraan daw maiiwasang ng mga bata ang paglapit sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawan ng elementary students mula Taiyuan, China sa Shanxi province dahil sa kanilang mga suot na pakpak sa pagpasok sa paaralan.

Binahagi ng Philippine Star ang mga larawan ng ilang mag-aaral na suot ang iba't ibang disenyo ng pakpak o tinatawag nilang "wings for social distancing."

Mapapansing suot ng mga bata sa loob man o sa labas ng kanilang classroom ang pakpak bilang paalala kung gaano sila kalayo sa isa't isa.

Sa naung ulat ng KAMI, nagkahawahan na ang ilang mag-aaral sa China matapos na papasukin na nila ito sa paaralan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isang video ang di umano'y nagpapakita ng kalagayan doon ng mga mag-aaral dahil mayroon na rin umanong nasawi nang muling buksan ang mga paaralan.

Sa Henan Province naman, nakunan din ng video ang ambulansyang nakatambay sa labas ng paaralan. Ito ay dahil apat na estudyante ang inalis sa klase sa pagkakaroon ng karamdaman.

Disyembre ng nakaraang taon, unang naitala ang kaso ng COVID-19 o unang tinawag na NCOV sa Wuhan China. Agad na isinailalim sa lockdown ang mga lugar na may mataas na bilang ng pasyenteng tinamaan ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HIndi nagtagal, nagsimula na itong kumalat sa iba't-ibang bahagi ng mundo at magpasa-hanggang ngayon ay naka-lockdown pa rin ang ilang lugar bilang pag-iingat sa pandemyang ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

'Di siya sumuko at natuto sa kanyang mga karanasan. Unti-unti siyang bumangon at nag-ipon at ngayo'y napakalapit na niya sa tuktok ng kanyang mga pangarap.

How I Turned From A Call Center Agent Into A Hotel Co-Owner | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel