Francis Leo Marcos, nagpahatid pa ng tulong sa viral na lola bago arestuhin ng NBI

Francis Leo Marcos, nagpahatid pa ng tulong sa viral na lola bago arestuhin ng NBI

- Inaresto ng NBI ang biglang sikat na social media star na si Francis Leo Marcos nong Mayo 19 dahil sa paglabag sa optometry law

- Dalawang araw bago ang pag-aresto, nagawa pa umano nitong magpadala ng tulong sa isang lola sa bangketa na nag-viral kamakailan

- Umulan man o umaraw kasi ay naroon ang lola na hirap nang kumilos kaya naman nangangailangan na ng tulong

- Sa tulong ng ilang miyembro ng FLM team ni Marcos, natunton nila ang matanda at naabutan ng tulong

- Kitang-kita ang pagkakaiba ng larawan ng matanda noong siya ay nasa bangketa at ngayong siya ay naliguan, nabihisan at napakain na ng maayos

- Bakas na rin sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan sa tulong na natanggap mula kay Marcos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagawa pa umanong magpahatid ng tulong ni Francis Leo Marcos sa isang viral na lola na umulan at umaraw ay di umaaalis sa bangketa ng Pasay City.

Nalaman ng KAMI na nakita ni Marcos ang post ng nagmalasakit na netizen na si Steffie Han matapos niyang makita ang matanda sa bangketa.

Nadurog daw ang puso ni Marcos kaya naman agad niyang pinakilos ang kanyang "FLM team" para mahanap ang tamang tao na makapagtuturo sa kinaroroonan ng matanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Natunton naman nila ito at agad na inaksyunan ang kalagayan nito. Napaliguan, nabihisan at naabutan pa ng ibang pangangailangan ang lola.

Bakas sa mukha nito ang kaligayahan taliwas sa itsura nito noong siya ay nasa bangketa pa.

May 17 nang ibahagi ni Marcos ang pagtulong nilang ginawa sa lola. Makalipas ang dalawang araw, dinakip na siya ng NBI sa paglabag nito sa optometry law.

Sinasabing nagkaroon umano si Marcos ng eye care program kung saan namigay siya ng mga prescription glasses na kahit na wala naman siyang lisensya para gawin ito.

Narito ang kabuuan ng video ng pagtulong nila sa matanda mula sa Pasay City:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Francis Leo Marcos ay ang social media star na nasa likod ng "Mayaman challenge." Hinihimok niya ang mga mayayaman na tularan at pamarisan ang kanyang ginagawang pagtulong sa ating mga kababayang lalong naghihikahos ngayong humaharap sa krisis ng COVID-19 ang ating bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

'Di siya sumuko at natuto sa kanyang mga karanasan. Unti-unti siyang bumangon at nag-ipon at ngayo'y napakalapit na niya sa tuktok ng kanyang mga pangarap.

How I Turned From A Call Center Agent Into A Hotel Co-Owner | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel