DOH Sec. Duque: Wala pang ebidensya na nakakahawa ng COVID-19 ang mga asymptomatic carriers

DOH Sec. Duque: Wala pang ebidensya na nakakahawa ng COVID-19 ang mga asymptomatic carriers

- Nanindigan si Health Secretary Francisco Duque na wala pang ebidensya hanggang sa ngayon na nakakahawa ng COVID-19 ang mga asymptomatic carriers o walang sintomas nito

- Paliwanag niya, ang impormasyong ito ay mula pa sa World Health Organization (WHO)

- Sa ngayon, may 4 na kategoryang dapat unahin i-test ang Department of Health (DOH) at hindi kasama ang asymptomatic dito

- Inanunsyo rin ng DOH na nasa second wave na ng COVID-19 ang Pilipinas ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque, hindi pa raw napapatunayan na nakakahawa ng COVID-19 ang mga taong walang sintomas nito.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Duque, ang impormasyon na ito ay mula sa World Health Organization (WHO).

Ayon sa ulat ng GMA News Online, ipinaliwanag ni Duque na mayroon silang 4 na kategorya na dapat unahing i-test. Subalit, hindi pa rin kasama ang mga asymptomatic dito.

“Ang WHO, hanggang ngayon po, wala po silang ulat o ebidensiyang nakakalap na magpapakita na nakakahawa ang mga asymptomatic. WHO po ‘yan,” sabi ni Duque.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sabi naman ng WHO sa kanilang report noong Abril 2, wala pa raw silang katibayan na may asymptomatic transmission nang naganap matapos kumalat ng COVID-19 sa buong mundo.

“To date, there has been no documented asymptomatic transmission. This does not exclude the possibility that it may occur. Asymptomatic cases have been reported as part of contact tracing efforts in some countries,” sabi sa kanilang report.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na ayon sa DOH, nasa second wave na ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas.

Kasalukuyan namang nasa 13,221 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa bansa. Ang 9,447 sa mga kasong ito ay aktibo pa rin hanggang sa ngayon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Watch our awesome hosts talk about romance amid the COVID-19 crisis in the Philippines! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mga
Mailfire view pixel