Kawawa naman! May-ari ng Malabon Zoo, ipinasilip ang kondisyon ng mga hayop ngayong may ECQ

Kawawa naman! May-ari ng Malabon Zoo, ipinasilip ang kondisyon ng mga hayop ngayong may ECQ

- Ipinakita ng may-ari ng Malabon Zoo na si Manny Tangco ang kasalukuyang sitwasyon doon ng mga hayop

- Aniya, hirap na siya sa gastusin ng pagkain ng mga ito lalo na ngayong may enhanced community quarantine

- Sariling ipon na lang daw niya ang ginagamit niyang panggastos ngayon pati na rin ang mga pera na hiniram niya sa mga kamag-anak niya

- Kaya naman, nanghihingi na rin siya ng donasyon ngayon sa mga Pinoy para matulungan ang mga hayop sa Malabon Zoo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Manny Tangco ang kasalukuyang sitwasyon sa kanyang Malabon Zoo ngayong may enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na sobrang apektado ang mga hayop sa nasabing zoo lalo na ngayong ipinagbabawal ang pagpunta rito dahil sa ECQ.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, hirap na rin ang may-ari ng zoo na buhayin ang mga ito dahil kulang na ang pondo para sa pagkain nila.

Aniya, sariling ipon na niya ang ginagamit niyang pambili ng pagkain at nanghihiram na rin siya ng pera sa mga kamag-anak niya para rito.

Kaya naman, kumakatok si Tangco sa puso ng mga Pinoy upang humingi ng donasyon para sa mga hayop sa Malabon Zoo.

Makikita sa mga litrato ang ilang leon na si Digong at Malabon. Bukod pa rito, mayroon ding mga oso, tigre at usa na nasa loob ng zoo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, may iba’t-ibang reaksyon naman ang mga netizens sa sitwasyon ng mga hayop sa Malabon Zoo. Narito ang mga komento nila sa Facebook page ng Philippine Star:

“Sana matulungan naman ng govt kahit konting tulong lang.”
“They shouldn't be captured. They are wild and they should live like that. Sad.”
“Sana matulungan kawawa nman mga animals......Lord lets corona virus away coz all human n animals are suffering now.....pls Lord......”
“Kawawa naman sila “

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Watch our awesome hosts talk about romance amid the COVID-19 crisis in the Philippines! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel