Dahil daw sa gutom: Ilang residente sa Bacoor, lakas loob na lumabas para mamalimos

Dahil daw sa gutom: Ilang residente sa Bacoor, lakas loob na lumabas para mamalimos

- Nauwi na sa pamamalimos ang ilang residente ng Barangay Longos sa Bacoor, Cavite dahil wala na raw umano silang panggastos sa araw-araw

- Lakas loob silang nag-aabang ng mga motoristang mag-aabot sa kanila ng tulong kahit na ito ay barya

- Nakatanggap naman daw sila ng ayuda ngunit talagang kulang daw ito sa mahigit na dalawang gastusin nila, isama pa ang mga bayaring nakatengga

- Nang malaman ito ng kapitan ng barangay, mahinahon nitong kinausap ang mga residente dahil naiintindihan umano niya na kaya lamang nila ito ginagawa ay upang may maipakain sa mga magugutom nilang pamilya

- Pinabaunan pa ng pera, sako ng bigas, at ilan pang makakain ang mga residente upang hindi na raw ito mamalimos pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin ang ilang residente ng Barangay Longos sa Bacoor, Cavite dahil nagsilabasan na sila sa kalsada para mamalimos.

Nalaman ng KAMI na gutom ang dahilan kung bakit lakas loob na nila itong ginagawa.

Ayon sa ulat ni Dennis Datu, masakit man para sa mga residenteng ito ang kanilang ginagawa, wala silang maisip na paraan upang maitawid ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa araw-araw.

Karamihan sa kanila ay may mga hanapbuhay naman ngunit dala ng community quarantine na nakataas pa rin sa kanilang lugar, hindi rin makapagtrabaho ang mga ito.

Nakatanggap naman daw sila ng ayuda mula sa pamahalaan ngunit sadyang kulang daw ito sa mahigit na dalawang buwan na gastusin. Dagdag pa raw dito ang nakatengga nilang mga bayarin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang mapag-alaman ito ni Barangay Chairman Ernesto de Rojas ng Longos, mahinahon niyang kinausap ang mga residenteng sumipot sa barangay hall.

Nauunawaan naman daw niya kasi ang dahilan ng mga ito kung bakit nila nagagawang mamalimos ngunit pinaalalahanan pa rin nilang lubhang mapanganib ito para sa kanila.

Nagpaabot din ang kapitan ng karagdagang tulong pinansyal, ilang sakong bigas at ilan pang makakain.

Pagkauwi, agad naman itong pinaghati-hatian ng mga residente at nangakong hindi na muli sila mamalimos pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marso 16 nang magdesisyon ang pamahalaan na ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Kasalukuyan namang naka-modified enhanced community quarantine ang Metro Manila kaya naman marami pa rin ang hindi nakababalik pa sa kani-kanilang trabaho sa siyudad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

'Di siya sumuko at natuto sa kanyang mga karanasan. Unti-unti siyang bumangon at nag-ipon at ngayo'y napakalapit na niya sa tuktok ng kanyang mga pangarap.

How I Turned From A Call Center Agent Into A Hotel Co-Owner | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel