Nalimos na ₱150, ipinangkain ng nasa mahigit na 30 na jeepney driver sa Pasay

Nalimos na ₱150, ipinangkain ng nasa mahigit na 30 na jeepney driver sa Pasay

- Pinagkasya ng nasa 30 na mga jeepney drivers sa Pasay ang nalimos na ₱150 at kanila itong ibinili ng pagkain

- Nakapagluto sila ng adobong paa ng manok at kanin na kanilang pinagsaluhan at nagawan pang ipagtira ang ibang hindi pa nakakakain

- Mula nang itaas ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, tigil pasada na ang mga jeepney drivers na ito

- Ayon sa kanila, wala pa rin umano silang natatanggap na ayuda kaya naman nauwi sila sa panlilimos maitawid lamang ang kanilang pang araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinikap ng isang grupo ng jeepney driver sa Pasay na pagkasayahin ang ₱150 na kanilang nalikom sa limos upang maibili nila ng makakain.

Nalaman ng KAMI na isa ang grupo na ito sa ilang pang mga nawalan ng kita mula nang ipagbawal ang kanilang pamamasada dahil sa enhanced community quarantine Sa Luzon.

At ngayong nasa modified enhanced community quarantine pa rin ang Metro Manila, ipinagbabawal pa rin ang pamamasada ng mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney.

Binahagi ng GMA News reporter na si Bernadette Reyes ang nasaksihan niyang kalagayan ng mga jeepney drivers na ito na napagkasya ang nalimos para malamnan ang tiyan ng nasa 30 nilang mga kasama.

Ipinakita nila ang nabili nilang paa ng manok na kanilang inadobo at kanin na kanilang pinagsaluhan sa araw na iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagawa pa nilang ipagtira ang ilan nilang kasamahan na hindi pa nakakakain.

Sa kasamaang palad daw kasi, hindi pa rin sila nakatatanggap ng inaasahang ayuda kaya hindi na sila nahiyang manlimos dahil gutom daw ang inaabot nila.

Dati pa raw ay may mga karatula sila upang makapanghingi ng tulong sa mga dumaraang mga kababayan, ngunit nasita na sila ng pulis.

Kung hindi raw kasi nila ito gagawin, hindi nila kayang itawid ang maghapon dahil wala na rin silang naitabing pera. Buwan na rin kasi ang itinatagal na wala silang pasada.

May ilan mang nagkokomento na mukhang malalakas naman daw ang mga driver. Subalit ang paliwanag ng mga tsuper, nabawasan na rin ang kanilang mga timbang at hindi nila alam kung hanggang kailan sila mananatiling malakas dahil wala silang anumang pinagkakakitaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan lamang sila sa ating mga kababayang higit na nangangailangan ng tulong ngayong humaharap tayo sa matinding krisis dala ng COVID-19.

Hiling ng marami, maabutan na ng tulong ang mga jeepney driver na ito mayroon ding mga pamilyang binubuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

'Di siya sumuko at natuto sa kanyang mga karanasan. Unti-unti siyang bumangon at nag-ipon at ngayo'y napakalapit na niya sa tuktok ng kanyang mga pangarap.

How I Turned From A Call Center Agent Into A Hotel Co-Owner | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel