Ama ni Baby Kobe, di naabutang buhay ang anak sa dahil walang masakyan patungong ospital

Ama ni Baby Kobe, di naabutang buhay ang anak sa dahil walang masakyan patungong ospital

- Hindi na raw inabot pa ni Ronnel Manjares na buhay si Baby Kobe dahil wala raw itong masakyan

- Naka-21 na missed call ang ospital sa kanya bago niya nalamang hindi na maganda ang lagay ng kanyang anak

- Nakita pa niya si Baby Kobe sa isang video call ngunit hindi niya akalain na ito pala ang huling beses na makikita nila ang kanyang anak

- Masakit sa kanilang pamilya ang sinapit ni Baby Kobe lalo na at naka-survive naman ito sa COVID-19 ngunit babawian din pala ito ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang pinakabatang COVID-19 survivor na si Baby Kobe Manjares kahapon, Hunyo 4 bandang ala una ng madaling araw.

Nalaman ng KAMI na nakalabas ng ospital si Baby Kobe noong Abril 28 ngunit ibinalik ito noong Mayo dahil napansin ng kanyang mga magulang na lumolobo ang tiyan nito at hindi makadumi.

Noong Miyerkulaes ng gabi, nakita pa ni Ronnel si Kobe sa pamamagitan ng video call.

Hindi niya alam, ito na pala ang huling beses na makikita niya ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakailang missed calls na rin ang ospital sa kanya dahil hindi na maganda ang lagay ng sanggol.

“Tinanong po ako ng doctor kung payag daw po akong lagyan ng tubo si totoy kasi nahirapan po huminga," salaysay ni Ronnel sa panayam sa kanya ng GMA News.

Ngunit bago pa man siya makapagdesisyon, sinabihan siya ng doktor ni Kobe na bumigay na raw ang katawan nito.

“Hindi ko po alam ’yung gagawin ko kagabi. Gusto ko ho sanang pumunta, wala rin po akong masasakyan,” pahayag ng ama ni Kobe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa director ng National Children's Hopital na si director Dr. Epifania Simbul, Hirschsprung’s disease ang naging karamdaman ni Kobe.

Sa Alabang naninirahan ang pamilya ni Kobe habang nasa Quezon City pa rin ang labi nito base sa ulat ng ABS-CBN News.

Hindi pa rin nakababalik ng trabaho si Ronnel kaya naman humihingi pa rin siya ng tulong gayung wala siyang kakayanang mabigyan ng maayos na libing ang kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel