France, may mga bagong kaso ng COVID-19 mula sa mga paaralang nagbukas

France, may mga bagong kaso ng COVID-19 mula sa mga paaralang nagbukas

- Nakapagtala ng 70 panibagong kaso ng novel coronavirus sa bansang France mula sa mga paaralang muling pinayagang makapagbukas

- Ang bilang na ito ay naitala, isang linggo lamang matapos ang pagbubukas muli ng mga klase sa ilang paaralan roon

- Tinawag naman itong "inevitable" ng Education Minister ng bansa at sinabing ang transmission ay nangyari umano sa labas ng mga paaralan

- Agad naman daw ipinasara ang mga eskwelahang apektado ng mga panibagong kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang dalawang buwang lockdown, pinayagan nang magbukas ang ilang establisyemento sa bansang France kabilang na ang ilang paaralan.

Pero isang linggo matapos nito ay nakapagtala ang bansa ng 70 panibagong kaso ng novel coronavirus mula sa mga eskwelahang pinayagan nang makapag-klase ayon sa report ng Business Insider.

Sa isang panayam kay Education Minister Jean-Michel Blanquer ng French radio station na RTL, tinawag nitong "inevitable" o 'di maiiwasan ang insidente.

"It's inevitable this sort of thing will happen," anito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"In almost all cases, this [transmission] has happened outside of the school," dagdag pa ni Blanquer.

Maliit na bilang lang daw ito mula sa 1.4 million na mga estudyanteng pinayagang makabalik sa pag-aaral.

Ganunpaman, agad naman umanong ipinasara ang mga eskwelahang apektado ng mga panibagong kaso.

"There will be terrible damage if we lose a generation of children who have been stopped from going to school for several months," sabi pa ni Blanquer base sa isang report ng The Guardian.

Samantala, sa China, ilang estudyante ang nahawaan umano ng COVID-19 matapos magbukas muli ang mga klase roon, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa Pilipinas, una nang ini-anunsyo ng Department of Education na magbubukas na ang mga klase sa Agosto 24, 2020.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Lumaking maawain at matulungin si Jarred kaya't nag-isip siya ng paraan para makatulong noong nakita niya na maraming naghihirap dahil sa kasalukuyang pandemya.

Ginamit Ko Ang Scholarship Allowance Ko Para Makatulong Sa Nangangailangan | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel