Gurong naaresto dahil sa pagbabanta sa Pangulo gamit ang Twitter, nakalaya na

Gurong naaresto dahil sa pagbabanta sa Pangulo gamit ang Twitter, nakalaya na

- Nakalaya na ang 25-anyos na gurong si Ronnel Mas na di umano'y nagawang pagbantaan ang buhay ni Pangulong Duterte

- Matapos ang nasa isang linggo mula nang siya ay maaresto dahil sa bantang nai-post niya sa Twitter, nakalabas na ng piitan ang guro sa tulong ng Alliance of Concerned Teachers at Free Legal Assistance Group

- Maaalalang ilang videos na rin ang lumabas kung saan humihingi ng tawad ang guro at sinabing nais lamang niyang dumami ang kanyang mga followers sa social media

- Sa naunang ulat ng KAMI, napag-alamang isa pala ang guro na ito sa mga Outstanding Teachers ng kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakalaya na ang gurong si Ronnel Mas na di umano'y naaresto dahil sa tahasang pagbabanta sa buhay ni Pangulong Duterte.

Ayon sa ABS-CBN News, nakapagpiyansa ang kampo ni Mas ngayong Martes, Mayo 19.

Sa tulong ng Alliance of Concerned Teachers at Free Legal Assistance Group, bakas sa mukha ng 25-anyos na guro ang kasiyahan at siya ay nakalaya na.

Nais ding nilang kuwestiyunin ang warrantless arrest na ginawa sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matatandang nasa isang linggo na ang nakalipas nang gumawa ng ingay ang kanyang Twitter post kung saan nagpataw siya ng ₱50 million sa sinuman ang makakapaslang sa Pangulo.

Dahil dito, siya ay naaresto ng National Bureau of Investigation at siya ay pinagpaliwanag sa kanyang nagawa.

Inamin niya na nagawa niya ang naturang post at labis ang pagsisisi niya dahil dito.

Makailang beses na rin siyang humingi ng tawad sa kanyang nagawa at inaming nais lamang niyang magkaroon ng maraming followers sa kanyang social media platforms.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, napag-alamang isa sa mga nagawaran bilang Most Outstanding Teacher ng Zambales si Mas.

Base sa Twitter post ng netizen na si Jhacky B. Agra/ @JhackyAgra, Setyembre noong nakaraang taon nang matanggap niya ang naturang parangal.

Mas kilala bilang RonPrince sa Twitter si Mas na isang public high school teacher na nagtuturo ng Araling Panlipunan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Lumaking maawain at matulungin si Jarred kaya't noong nakita niya na maraming naghihirap dahil sa kasalukuyang pandemya.

Ginamit Ko Ang Scholarship Allowance Ko Para Makatulong Sa Nangangailangan | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel