Viral fish vendor na hinuli at wala raw quarantine pass, nakauwi na sa pamilya

Viral fish vendor na hinuli at wala raw quarantine pass, nakauwi na sa pamilya

- Nakauwi na sa kanyang pamilya si Mang Dodong Jimeda na nahuli noong May 7 dahil lumabas ito na walang quarantine pass

- Mula noong araw na iyon, hindi na siya nakauwi na labis na ikinabahala ng kanyang misis na hindi alam ang gagawin

- Sa tulong ng ilang mga kabarangay, napag-alamang nasa Navotas Sports Complex si Mang Dodong at pinagpipiyansa sila ng ₱3,500

- Tinulungan sila ng Diocesan ng Caloocan kung saan taga-roon si Mang Dodong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kapiling na ni "Dodong Jimeda" ang kanyang pamilyang nag-alala sa kanya dahil bigla na lamang itong hindi nakauwi noong Mayo 7.

Base sa post ni Vincent Go, nahuli umano sa Navotas Fish Port si Mang Dodong noong araw na iyon dahil wala siyang quarantine pass.

Dinala pala ito sa Navotas Sports Complex kung saan siya na-ditena.

Wala noong kaalam-alam ang kanyang misis na si Patring Raval na labis na nag-aalala na sa mister na mahigit sampung araw nang hindi umuuwi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

source: 24 oras/GMA news

Nabalitaan na lamang niya na na naka-ditena ang mister sa Navotas ngunit sa una'y hindi niya alam ang gagawin upang matulungan ang mister.

Sa tulong ng Diocesan ng Caloocan kung saan naninirahan ang mag-anak ni Mang Dodong, nakapunta ng Navotas ang misis nito at napag-alamang kinakailangan nila ng ilang requirements at halagang ₱3,500 bilang piyansa.

Bagaman at nagkaroon ng ilang problema dahil naman sa pangalang binigay ni Mang Dodong, natagalan lalo ang pagproseso ng kanyang paglaya.

Isa na rin ang skeletal workforce ng Navotas sa naging dahilan ng pagpapatagal ng proseso dahil M-W-F lang sila bukas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa tulong din ni Go na siyang sumubaybay sa kalagayan ni Mang Dodong, tuluyan na itong nakauwi sa kanyang pamilya bandang alas-sais ngayong gabi.

Marso 16 nang magdesisyon ang pamahalaan na ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Mahigpit na ipinagbabawala ang basta-basta lamang na paglabas ng tahanan at ang maari lamang lumabas ay ang mga nabigyan ng quarantine pass ng kani-kanilang barangay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Lumaking maawain at matulungin si Jarred kaya't noong nakita niya na maraming naghihirap dahil sa kasalukuyang pandemya.

Ginamit Ko Ang Scholarship Allowance Ko Para Makatulong Sa Nangangailangan | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel