COVID-19 patient sa QC, nagawa pa umanong pumila para makakuha ng ayuda

COVID-19 patient sa QC, nagawa pa umanong pumila para makakuha ng ayuda

- Isang 49-anyos na COVID-19 patient sa Quezon City ang nagawa pang pumila para makakuha ng ayuda

- Ayon sa kanilang barangay chairman, hindi raw ipinaalam sa kanila ng babae na nakuhanan na pala ito ng swab test matapos na kakitaan ng ilang sintomas ng virus

- Pinauwi ang pasyenteng hindi naman daw malala ang lagay habang naghihintay ng resulta ng isinagawang test

- Nalaman lamang umano niya ang resulta, kinagabihan matapos na makatanggap ng ayuda

- Sa tulong ng barangay, agad itong nadala sa Lung Center of the Philippines kung saan maayos naman daw ang kalagayan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabalot ng takot ang Barangay Escopa IV sa Quezon City matapos pumila ng isa palang COVID-19 patient sa kanilang lugar upang makakuha ng ayuda.

Nalaman ng KAMI na ito ay ang 49-anyos na babaeng nahirapang huminga noong Abril 16, dahilan para siya ay maisugod sa ospital.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, dahil isa sa mga sintomas ng COVID-19 ang paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga, agad naman itong nakuhanan ng throat swab sample.

Ngunit dahil hindi ganoon kalala ang kanyang kalagayan, pinauwi pa rin ito upang doon na lamang mag-home quarantine.

Abril 25 nang makuha nito ang halagang ₱8,000 mula sa social amelioration program ng pamahalaan matapos na makipila sa kanilang barangay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kinagabihan, doon lumabas ang resulta na siya pala'y positibo sa COVID-19.

Tinanong umano siya ng Barangay Chairman na si Laila Arcega kung bakit hindi umano nito sinabing nakuhanan pala ito ng swab sample.

Sagot ng pasyente, hindi raw niya kasi alam ang dapat niyang gawin.

Agad naman siyang dinala sa Lung Center of the Philippines upang malapatan ng atensyong medikal at kasalukuyan itong nasa stable na kondisyon.

Nagsagawa na rin ng contact tracing sa kanilang lugar kabilang na rin ang mga barangay officials na nakasalamuha niya noong araw ng bigayan ng SAP.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

source: 24 oras/phlviral

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI isa namang ginang ang nawala ang sama ng loob kahit wala ang pangalan niya sa makatatanggap ng ayuda mula sa SAP.

Ito ay dahil ang ama na hinahanap niya sa loob ng 23 taon ay natagpuan niya sa pamamagitan ng pangalan nitong nakalista sa SAP beneficiaries.

Ang social amelioration program o SAP ay programang sakop ng Bayanihan to Heal as One Act na ipinamamahagi bilang tulong sa ngayong dumadanas ng COVID-19 crisis ang bansa.

Ayon sa coins.ph, ang mga nakatira sa Metro Manila na mga Senior Citizen, Persons with Disability (PWD), Buntis at naglalactate na babae, Solo parent, OFWs in Distress, Indigent Families, Underprivileged Sector and Homeless Citizens at Informal Economy Workers (kasambahay, PUV at private vehicle drivers, construction workers, at iba pang mga daily wage earners) ay makatatanggap ng ₱8,000.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Lumaking maawain at matulungin si Jarred kaya't nag-isip siya ng paraan para makatulong noong nakita niya na maraming naghihirap dahil sa kasalukuyang pandemya.

Ginamit Ko Ang Scholarship Allowance Ko Para Makatulong Sa Nangangailangan | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel