OFW sa Saudi na positibo sa COVID-19, emosyonal na humihingi ng saklolo

OFW sa Saudi na positibo sa COVID-19, emosyonal na humihingi ng saklolo

- Binahagi ng anak ng isang OFW sa Saudi ang video ng kanyang ama na positibo sa COVID-19

- Wala umanong tumutulong sa kanyang tatay kaya naman labis na nag-aalala ang kanilang pamilya na narito sa Pilipinas

- Maging ang kompanya kung saan nagtatrabaho ang kanyang ama ay hindi raw ito nagawang matulungan

- Nagtanong na rin sila sa mga ospital ngunit puno na raw ang mga ito at tila ang prayoridad ay ang mga taga-roon

- Mapapansing tila humahabol na rin sa hinga ang OFW kaya naman nangangailangan na ito ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humihingi ng tulong ang pamilya ng overseas Filipino worker na si Celedonio Buendia Jr. na kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19 sa Saudi Arabia.

Binahagi ng anak nitong si Jhoy Buendia-Anciano ang video ng kanyang amang humihingi na ng saklolo sa ating bansa dahil nangangailangan na siya ng medikal na atensyon doon.

Nalaman ng KAMI na marami na raw silang natawagang ospital ngunit tinatanggihan siya ng mga ito at puno na raw. Tila ang prayoridad din daw ng mga ito ay mga taga-roon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mapapansin sa video na tila humahabol na sa hinga ang OFW habang ito ay nagsasalita kaya mas mainam nga na ito ay madala na sa ospital.

Labis tuloy ang pangamba ng kanyang pamilya dito sa Pilipinas dahil wala silang magawa kundi ang ipagdasal ang ama.

Nanawagan na rin mismo ang OFW sa mga taga-embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Jeddah dahil wala raw umanong embahada sa lugar kung saan siya naroon ngayon.

Hindi na niya naiwasang maging emosyonal dahil aminado na rin siyang nahihirapan na sa kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabanggit niyang sa tuwing tataas ang kanyang lagnat, pakiramdam daw niya'y malalagutan na siya ng hininga.

Siya na rin mismo ang bumibili ng kanyang gamot dahil wala ring naipaaabot na tulong sa kanya ang kanilang kompanya.

Lakas loob na rin siyang nag-video upang makarating agad sa kinauukulan ang kanyang panawagan.

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel