Anak, binahagi ang pinagdaanan ng pumanaw na inang hindi naman COVID-19 patient

Anak, binahagi ang pinagdaanan ng pumanaw na inang hindi naman COVID-19 patient

- Binahagi ng isang netizen ang hirap na pinagdaanan ng inang kinailangang ma-ospital kahit hindi naman ito COVID-19 patient

- Ang mahirap pa sa kanilang kalagayan, mag-isa lamang ang inang nasa Cavite habang siya naman ay nasa Maynila

- Mabuti na lamang at nakita ng mga kapitbahay ang kanyang inang na-stroke na pala sa kanilang bahay

- Masasabing lahat ay ginawa nila para maisalba ang ina ngunit dahil sadyang mahirap magpa-ospital ngayon dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19, isa na ito sa mga pasyenteng binawian ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakadurog ng pusong kwento ng netizen na si Daniel tungkol sa pinagdaanan nilang pamilya ngayong laganap pa rin ang COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na binawian ng buhay ang ina ni Daniel dahil umano sa napakahabang proseso ng paghahanap ng ospital na tatanggap sa ina niyang na-stroke dahil sa hypertension nito.

Nakadagdag pa sa hirap ng kanilang kalagayan na sila'y magkalayo. Mag-isa lamang ang kanyang ina sa Cavite habang si Daniel naman ay nasa Maynila.

Ginawan niya talaga ng paraan na makauwi siya sa ina dahil labis na ang kanyang pag-aalala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ngunit sa kasamaang palad, natagpuan na lamang ito ng kanilang mga kapitbahay na na-stroke na at nadala naman sa ospital.

Doon pa lamang, nakiusap na si Daniel na ipa-ambulansya na ang ina upang madala na lamang ito sa Maynila kung saan siya naroon.

Hindi pumayag ang ospital at baka raw kung ano pa ang mangyari sa daan.

Patuloy pa ring naghanap ng paraan si Daniel at sa tulong ng kanyang pinsan at kapatid, nalaman nilang pwede nila itong madala sa East Avenue Medical Center.

Matinding diskarte ang ginawa ni Daniel makarating lamang siya sa Quezon City mula Maynila.

Nang makarating sa East Avenue, hindi pa rin niya nakita basta ang ina at nailagak ito sa ward ng mga pasyenteng may COVID-19.

Isang araw ang lumipas, pinayagan na siyang makita ang ina at pinasuot naman siya ng personal protective equipment.

Doon niya nakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga pasyente roon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa araw ding iyon, nabalitaan nilang nalagyan na ng tube support ang kanyang ina. Ang masakit pa nito, nagbigay na rin ng taning ang doktor.

Pumanaw din ang kanyang ina na muntik na ring ma-cremate bilang ito ang patakaran ngayong may COVID-19.

At dahil malinaw sa death certificate nito na hindi naman ang naturang virus ang ikinamatay ng ina ni Daniel, nagawan nila ng paraan na makuha ang bangkay at mailibing ito.

"Mahirap bumalik sa mga ipinaglalaban ngayon. Talong talo na ako lalot buhay ng mama ko ang kapalit. Sinisisi ko rin ang sarili ko na hindi ako nakauwi agad. Pero kung may pupuntahan lahat ito, sana lang, hindi ito maulit sa iba," pagtatapos ni Daniel sa kanyang post at humihiling din siya ng mass testing nang sa gayon ay maagapan ang ilang mga pasyenteng dahil walang sintomas ay hindi nabibigyan ng tiyansang ma-swab test.

Enero 31 nang maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Marso 16 nang magdesisyon ang pamahalaan na ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Sa ngayon, naka-modified enhanced community quarantine na ang Metro Manila at pito pang lugar dahil sa patuloy na pagmonitor sa bilang ng COVID-19 cases dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel