Amang di nakasama ng anak sa loob ng 23 na taon, nahanap sa tulong ng listahan ng SAP

Amang di nakasama ng anak sa loob ng 23 na taon, nahanap sa tulong ng listahan ng SAP

- Umantig sa puso ng marami ang kwento ni Annabelle at kanyang amang hindi na niya nakita sa loob ng 23 taon

- Hindi na umaasa pa si Annabelle na makikita pa niya ang ama kaya laking gulat niya nang makita ang pangalan nito sa mga makatatanggap ng ayuda mula sa social amelioration program

- Sa tulong ng kagawad ng kanilang barangay, nakumpirma niyang ito nga ang kanyang ama at nagkita pa sila

- Nagkaroon na rin ng pagkakataon na makausap ng ama ang iba pa nitong mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang napaluha ng kwento ni Annabelle Agustin na nakita at nakasama ang ama na umiwan sa kanila, 23 taon na ang nakalilipas.

Binahagi ng programang "Kapuso mo, Jessica Soho" ang kwento ni Annabelle na sa una'y masama ang loob at wala ang pangalan niya sa mga makakatanggap ng ayuda mula sa social amelioration program o SAP ng pamahalaan.

Nalaman ng KAMI na ang ayuda lamang ang inaasahan niyang pera dahil wala silang trabaho ngayon sa pinapasukang parlor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ang isa pa, naggagamot din siya ngayon dahil stage 3 na ang kanyang breast cancer.

Malungkot man at may kasamang sama ng loob na wala siyang natanggap na tulong, nagulat naman si Annabelle nang makakita siya ng pamilyar na pangalan sa listahan ng SAP beneficiaries.

Pangalan ito ng kanyang ama na di umano'y nang-iwan sa kanila. Ito ang naging dahilan kumbakit napunta silang magkapatid sa pangangalaga ng kanyang lola.

Aminado si Annabelle na nakaramdam siya ng sama ng loob dahil sa nagawa ng ama.

Sinubukan niya itong hanapin sa social media ngunit hindi na nila talaga ito mahanap.

Kaya naman nang makita niya ang pangalan nito, gumawa na siya ng paraan upang makumpirma niya na ito nga ang kanyang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa tulong ng barangay, nalaman niya ang ilang detalye sa ama ngunit hindi naman ito sumasagot nang kanyang tawagan.

Hanggang sa sinadya ito ni Annabelle sa araw ng bigayan ng ayuda at doon nakumpirma niyang ito ang tatay na matagal na nilang hinahanap.

Ang hindi nila alam, nasa iisang barangay lamang sila mula nang bumalik mula sa abroad ang ama noong 2009.

Dahil sa di inaasahang pagtatagpong ito, masaya pa rin si Annabelle na nabigyan siya ng pagkakataon na makita at makasama muli ang kanyang ama. Narito ang kabuuan ng kanilang kwento:

Ang Kapuso mo, Jessica Soho ay isa sa pinakaabangang program ng Kapuso network tuwing Linggo ng gabi.

Dito masasalamin kasi ang iba't ibang kwentong Pinoy at sa panonood nito, tila nagiging "bonding" na rin ito ng pamilyang Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel