Lalaking hindi alam na may pandemya, naghahanap ng trabaho upang maipagamot ang ina

Lalaking hindi alam na may pandemya, naghahanap ng trabaho upang maipagamot ang ina

- Viral ang post tungkol sa isang lalaking walang kaalam-alam sa nangyayaring paglaganap ng nakamamatay na COVID-19 sa bansa

- Mula pa raw siya sa Pangasinan at nagbiyahe papunta sa Maynila para maghanap ng trabaho

- Ito ay dahil may sakit ang kanyang ina na nais niyang maipagamot kaya naman di siya nag-aatubili maghanap ng trabaho

- Sa kasamaang palad, wala siyang mapasukang trabaho dahil sa pandemya at napapagkalaman pang masamang tao

- Mayroon lamang netizen na nagmalasakit na siya ay pakainin, bigyan ng mask at kaunting pera panggastos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki ang lakas loob na nakipagsapalaran sa Laguna at wala raw kaalam-alam sa kinakaharap na pandemya ng bansa at maging ng buong mundo.

Ayon sa netizen na si Mark Xon, madalas niyang makita sa labas ng kanilang shop ang 26-anyos na si Marvin Rosal.

Mula pa raw ito sa Poblacion, Pangasinan at kasalukuyang naghahanap ng trabaho kaya napadpad sa kanilang lugar.

Hindi raw nito alam na kasalukuyang naka-community quarantine ang ilang lugar dahil sa patuloy na kumakalat na COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Determinado lang daw itong magka-trabaho dahil nais nitong ipagamot ang kanyang inang may karamdaman.

Sa kasamaang palad, wala parin siyang nakukuhang trabaho at madalas pa rin siyang mapagkamalang masamang tao.

Emosyonal daw ito habang ikinikwento ang pinagdaraanan niya ngayon, gayundin ng kanilang pamilya.

Binigyan na muna siya ni Mark ng pagkain, tubig at perang maari niyang panggastos.

Nasa maayos na pag-iisip daw si Marvin at sadyang nangangailangan lamang ng tulong.

Bilang proteksyon, binigyan na rin niya ito ng face mask. Pinaalalahanan na rin niya ito ng mga dapat niyang gawin upang makaiwas sa COVID-19.

Nilinaw din ni Mark na pumayag naman ang lalaki na magpakuha ng larawan upang makahingi na rin siya ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kasalukuyang naka-modified enhanced community quarantine ang Laguna kung saan naroon si Marvin gayundin ang Metro Manila, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Angeles City na tatagal ng hanggang Mayo 31.

Bago pa man sumapit ang takdang araw na ito, pagdedesisyunan na ng pamahalaan kung patuloy pa ring isasailalim sa MECQ ang mga naturang lugar base na rin sa maitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel