Babaeng sinungitan si Willie Revillame, nanalo pa rin ng ₱20,000

Babaeng sinungitan si Willie Revillame, nanalo pa rin ng ₱20,000

- Muntik nang matarayan ng isang contestant si Willie Revillame dahil hindi niya agad na nakilala ang boses nito

- Nakatatlong tanong ang babae ng "Sino nga ito?" bago niya naisip na si "Kuya Wil" na pala ang kanyang kausap

- Nang malaman ni Willie na nakatutok ang babae sa kanyang programa, agad niya itong binigyan ng ₱20,000

- Malaking tulong daw ito sa kanya lalo na ngayon na dumadaan sa krisis ang bansa dala ng COVID-19 at solo parent pa siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi sinasadyang masungitan ng isang "Tutok To Win" caller si Willie Revillame dahil hindi niya agad nakilala ang boses nito.

Binahagi ng GMA News ang video kung saan tinanong agad ni Willie ang pangalan ng caller nito.

Nalaman ng KAMI na makailang tanong ng "sino nga ito?" ang babaeng si "Chie" mula sa Las Piñas City bago niya nakilala ang boses ni Willie.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nang mabosesan na niya ito, agad nitong sinambit ang "Kuya Wil" at humingi ng dispensa at hindi agad na sumagot ng maayos.

Ngunit dahil naktutok si Chie sa programa ng kanyang Kuya Wil, binigyan nabigyan siya nito ng ₱20,000.

Naiiyak daw ang caller dahil napakalaking tulong daw nito sa kanya lalo na at dumadaan sa krisis ang ating bansa dahil sa COVID-19 at kasalukuyan din siyang walang trabaho.

Solo parent din kasi siya kaya naman siya lamang ang nag-iintindi sa pangangailangan ng kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Willie ay naantig kay Chie dahil natulungan niya ang isang ina na nagkataong matindi nga ang pangangailangan ngayon.

Si Willie Revillame ay isang host, singer, actor, comedian, at businessman. Pagma-may-ari rin niya ang Wil Tower Mall sa Quezon City kung saan business partner niya si Manny Villar. Bago pa man maging Kapuso, minsan na siyang naging Kapamilya dahil sa popular niyang programang “Wowowee”.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel