DepEd, pinag-aaralan kung kakayanin ang mass testing sa mga eskwelahan

DepEd, pinag-aaralan kung kakayanin ang mass testing sa mga eskwelahan

- Pinag-aaralan ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd kung kakayanin ang magsagawa ng mass testing sa mga eskwelahan

- Ito ay upang masiguradong ligtas ang mga mag-aaral, mga guro at pati na rin ang non-teaching personnel sa COVID-19

- Nauna nang inanunsiyo ng DepEd ang nakatakdang pagbubukas ng klase sa August 24

- Nilinaw nilang hindi ito nangangahulugan na kailangan pumasok sa paaralan ang mga bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos dumaing ang mga magulang sa inanunsyong pagbubukas ng klase sa August 24, pinag-aaralan ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd kung kakayanin ang magsagawa ng mass testing sa mga eskwelahan. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa paaralan.

“Pinag-aaralan namin kung magkano ito, [kung] kaya ba,” ani Education Undersecretary Revsee Escobedo sa isang panayam sa Teleradyo.

Gayunpaman, maaring maging magastos ang ganitong pamamaraan dahil sa iba pang nakakahalubilo ng mga mag-aaral, mga guro at iba pang mga nagtatrabaho sa paaralan.

“Halimbawa, negative ka sa araw na ito, uuwi ka sa bahay at komunidad, pagbalik mo ite-test ka ulit kasi baka ‘yong virus hindi mo ma-acquire sa school… kundi nandoon sa bahay at komunidad,” paliwanag niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang inanunsyo ng DepEd na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng face-to-face learning habang hindi pa pormal na nagbubukas ang klase.

Ayon sa inilabas na anunsyo ng kagawaran papahintulutan ang face-to-face learning kasabay ng pagsunod sa mga health standards na itinakda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Iniatas din ng DepEd na limitahan sa 15-20 mag-aaral ang mapapabilang sa isang klase upang maiwasan ang pagsisiksiksikan.

Sa naunang ulat ng KAMI, may mga mag-aaral na nahawa matapos muling magbukas ang mga paaralan sa China.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo? Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel