9-anyos na batang lalaki, naiyak habang nagdadasal matapos malayo sa kanyang pamilya

9-anyos na batang lalaki, naiyak habang nagdadasal matapos malayo sa kanyang pamilya

- Isang siyam na taong gulang na batang lalaki ang nalayo sa kanyang pamilya

- Ito ay matapos niyang mag positibo sa COVID-19 at kinailangang isailalim sa isolation

- Sa kanyang murang edad ay buo ang kanyang paniniwalang hindi siya pababayaan ng Panginoon

- Marami ang humanga sa lakas ng kanyang pananampalataya at paniniwala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang siyam na taong gulang na batang lalaki ang napasama sa mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Matapos malayo sa pamilya ang mahigit isang linggo, idinaan ng bata sa panalangin ang kanyang pinagdadaanan.

Ayon sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo kasama ang batang itinago sa pangalang Gabriel sa mahigit isang daang COVID-19 patients na inilagay sa isolation centers sa Cebu.

Nakikipag-usap umano ang bata sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng tawag at text pero nami-miss niya na daw ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Sobrang sakit, ni hindi mo man siya mayakap, hindi mo siya mahalikan, hindi mo siya makatabi dahil malayo siya," pagbabahagi ng ina ni Gabriel.

Nagsimula sa lagnat at pagdurugo ng ilong ang pagkakasakit ni Gabriel.

“Mas okay pa na sa akin na lang dumapo ang sakit kaysa sa aking anak ang makaranas kasi ang bata pa niya," saad ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nag-iisa lamang siya sa pamilya na nagpositibo pero nanatiling buo ang kanyang paniniwala sa Panginoon, "Hindi sila makakapasok dahil meron akong Panginoon na nagbabantay," ani Gabriel.

Hilig umano ng bata na magbasa ng Bibliya pagkauwi niya galing sa paaralan ayon sa kanyang ama.

“Hindi Siya nagpapakita. Babantayan lang Niya ako kung may virus. ‘Yung aming pagsamba aalis ang demonyo at ang virus. Siya ang aking lakas," ani Gabriel.

Nagviral kamakailan ang video na kuha ni Genelyn, “Marami kaming umiiyak nakatingin sa kanya. Naawa kasi lumuhod siya, tapos kumakaway ang kamay niya, tapos kumakanta, umiiyak.'

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo?. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel