Video ng paring nagmimisa sa baha at naka-bangka ang mga nagsisimba, viral

Video ng paring nagmimisa sa baha at naka-bangka ang mga nagsisimba, viral

- Agaw eksena online ang video ng isang paring lakas-loob na nagmimisa sa baha

- Kapansin-pansin din ang mga nagsisimba na nakasakay sa bangka, mapa-bata man o matanda

- Ngunit ang mismong pari ay nakalubog sa baha at naka-angat lamang ang kanyang altar

- Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens dahil napansin din nilang tila walang 'mask' ang mga nagsisimba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng pari na hindi nagpatinag sa baha at patuloy pa rin ang pagmimisa.

Binahagi ang video ng netizen na si Don Alberto, kung saan makikita ang pari na nakalubog sa baha at tanging altar lamang niya ang nakaangat.

Maliit lamang din ang kapilya, ngunit makikitang dinarayo rin ito ng mga residenteng nais pa rin na magsimba.

Sakay ng kani-kanilang bangka, walang nakapigil sa kanila na makapakinig ng misa at mabasbasan ng pari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Mapa-bata o matanda, makikitang desidido na makapagdasal at palakasin pa ang kanilang pananampalataya.

Ngunit, napansin naman ng ilang netizens na tila walang masks ang mga residenteng nagsisimba.

Gayundin ang pari kaya naman nabahala sila sa kalusugan ng mga ito.

May ilan namang nagsasabi na maaring ang video ay kuha bago pa man magkaroon ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

"Grabe, nakalubog si father. sobrang dangerous nito. ingat po kayo"
"Sana hindi magkasakit yung pari at sana walang madisgrasya pagpunta nila sa kapilya"
"Ingat po father, di biro ang ginagawa ninyo,pagpalain kayo ng Diyos"
"Doble ingat po kayo, mahirap po ang inyong kalagayan lalo pa at wala po ata kayong mga face masks"
"Nakaka iyak po talaga kc po khit daming pagsubok nntili padin po yung pananalig natin amen"

Gayunpaman, marami pa rin ang humanga sa pananampalataya ng mga debotong nag-abala pa talagang sumakay ng bangka. Lalong lalo na ang kahanga-hanga ring pari na handang magsakripisyo para sa mga taong ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel